MATEO 4
4
Tinukso ng Diyablo si Jesus
(Mc. 1:12, 13; Lu. 4:1-13)
1Pagkatapos#Heb. 2:18; 4:15 nito, si Jesus ay dinala ng Espiritu Santo sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.
2Siya ay apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno, pagkatapos ay nagutom siya.
3Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, ipag-utos mo na ang mga batong ito ay maging tinapay.”
4Ngunit#Deut. 8:3 siya'y sumagot, “Nasusulat,
‘Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao,
kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.’”
5Pagkatapos ay dinala siya ng diyablo sa banal na lunsod at inilagay siya sa taluktok ng templo,
6at#Awit 91:11, 12 sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,
‘Siya'y mag-uutos sa kanyang mga anghel tungkol sa iyo,’
at ‘Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
baka masaktan ang iyong paa sa isang bato.’”
7Sinabi#Deut. 6:16 sa kanya ni Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’”
8Muli, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan, at ang karangyaan ng mga ito.
9At sinabi niya sa kanya, “Ang lahat ng mga ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasamba sa akin.”
10Sumagot#Deut. 6:13 sa kanya si Jesus, “Lumayas ka, Satanas! sapagkat nasusulat, ‘Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos, at siya lamang ang iyong paglingkuran.’”
11Pagkatapos nito'y iniwan siya ng diyablo at dumating ang mga anghel at pinaglingkuran siya.
Sinimulan ni Jesus ang Kanyang Gawain sa Galilea
(Mc. 1:14, 15; Lu. 4:14, 15)
12Nang#Mt. 14:3; Mc. 6:17; Lu. 3:19, 20 mabalitaan ni Jesus#4:12 Sa Griyego ay niya. na dinakip si Juan, pumunta siya sa Galilea.
13Nang#Jn. 2:12 iwan niya ang Nazaret, siya ay pumunta at tumira sa Capernaum, na nasa tabing-dagat, na sakop ng Zebulon at Neftali,
14upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias:
15“Ang#Isa. 9:1, 2 lupain ni Zebulon at ang lupain ni Neftali,
patungo sa dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Hentil—
16Ang bayang nakaupo sa kadiliman,
ay nakakita ng dakilang ilaw,
at sa mga nakaupo sa lupain at lilim ng kamatayan,
ang liwanag ay sumilay.”
17Mula#Mt. 3:2 noon si Jesus ay nagpasimulang mangaral na nagsasabi, “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”
Tinawag ni Jesus ang mga Unang Alagad
(Mc. 1:16-20; Lu. 5:1-11)
18Sa paglalakad ni Jesus#4:18 Sa Griyego ay niya. sa tabi ng Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, na naghuhulog ng lambat sa dagat, sapagkat sila'y mga mangingisda.
19Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.”
20Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya.
21At sa kanyang paglakad mula roon ay nakita niya sa bangka ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kanyang kapatid, kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nag-aayos#4:21 o naghahayuma. ng lambat; at kanyang tinawag sila.
22Kaagad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod sa kanya.
Nangaral at Nagpagaling ng mga Maysakit si Jesus
(Lu. 6:17-19)
23At#Mt. 9:35; Mc. 1:39 nilibot ni Jesus ang buong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang ebanghelyo ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.
24Kaya't napabantog siya sa buong Siria, at kanilang dinala sa kanya ang lahat ng mga may karamdaman, ang mga pinahihirapan ng sari-saring sakit at kirot, ang mga inaalihan ng mga demonyo, at ang mga may epilepsiya at ang mga lumpo. Sila ay kanyang pinagaling.
25At sinundan siya ng napakaraming tao mula sa Galilea, Decapolis, Jerusalem, Judea at mula sa ibayo ng Jordan.
Currently Selected:
MATEO 4: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: