MGA BILANG 1
1
Binilang ang mga Lalaking Maaaring Makipaglaban
1Ang#Bil. 26:1-51 Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa toldang tipanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkalabas nila sa lupain ng Ehipto, na sinasabi:
2“Bilangin mo ang buong sambayanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, sa mga sambahayan ng kani-kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawat lalaki, bawat isa.
3Mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat sa Israel na maaaring lumaban sa digmaan, sila ay bibilangin mo at ni Aaron, ayon sa kanilang mga hukbo.
4Magsasama kayo ng isang lalaki mula sa bawat lipi; na bawat isa'y pinuno sa sambahayan ng kanyang mga ninuno.
5Ito ang mga pangalan ng mga lalaki na tutulong sa inyo. Mula kay Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur;
6kay Simeon: si Selumiel na anak ni Zurishadai;
7kay Juda: si Naashon na anak ni Aminadab;
8kay Isacar: si Natanael na anak ni Suar;
9sa lipi ni Zebulon: si Eliab na anak ni Helon;
10sa mga anak ni Jose: kay Efraim: si Elisama na anak ni Amihud; kay Manases: si Gamaliel na anak ni Pedasur;
11kay Benjamin: si Abidan na anak ni Gideoni;
12kay Dan: si Ahiezer na anak ni Amisadai;
13kay Aser: si Fegiel na anak ni Ocran;
14kay Gad: si Eliasaf na anak ni Deuel;#1:14 tinatawag na Reuel.
15kay Neftali: si Ahira na anak ni Enan.”
16Ito ang mga pinili mula sa kapulungan, na mga pinuno sa mga lipi ng kani-kanilang mga ninuno. Sila ang mga puno ng mga angkan ng Israel.
17Dinala nina Moises at Aaron ang mga lalaking ito na inilagay sa tungkulin sa pamamagitan ng kanya-kanyang pangalan.
18At kanilang tinipon ang buong kapulungan nang unang araw ng ikalawang buwan, na nagpatala ayon sa kani-kanilang angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, bawat isa,
19ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises. Gayon niya binilang sila sa ilang ng Sinai.
20At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at sa bilang ng mga pangalan, bawat isa, bawat lalaki mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
21ang bilang ng lipi ni Ruben ay apatnapu't anim na libo at limang daan.
22Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno ay nabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, ayon sa dami nila, bawat lalaki mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
23ang bilang ng lipi ni Simeon ay limampu't siyam na libo at tatlong daan.
24Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
25ang bilang ng lipi ni Gad ay apatnapu't limang libo at animnaraan at limampu.
26Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
27ang bilang ng lipi ni Juda, ay pitumpu't apat na libo at animnaraan.
28Sa mga anak ni Isacar, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
29ang bilang ng lipi ni Isacar ay limampu't apat na libo at apatnaraan.
30Sa mga anak ni Zebulon, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
31ang bilang ng lipi ni Zebulon ay limampu't pitong libo at apatnaraan.
32Sa mga anak ni Jose, na sa mga anak ni Efraim, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
33ang bilang ng lipi ni Efraim ay apatnapung libo at limang daan.
34Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
35ang bilang ng lipi ni Manases ay tatlumpu't dalawang libo at dalawandaan.
36Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
37ang bilang ng lipi ni Benjamin ay tatlumpu't limang libo at apatnaraan.
38Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
39ang bilang ng lipi ni Dan ay animnapu't dalawang libo at pitong daan.
40Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
41ang bilang ng lipi ni Aser ay apatnapu't isang libo at limang daan.
42Sa mga anak ni Neftali, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
43ang bilang ng lipi ni Neftali ay limampu't tatlong libo at apatnaraan.
44Ito ang mga nabilang na binilang nina Moises at Aaron at ng labindalawang lalaki na mga pinuno ng Israel; bawat isa sa kanila'y kumakatawan sa sambahayan ng kanya-kanyang mga ninuno.
45Kaya't lahat ng nabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan mula sa Israel,
46lahat ng nabilang ay animnaraan at tatlong libo limang daan at limampu.
Ang mga Levita ay Hindi Binilang
47Subalit ang mga Levita ay hindi binilang na kasama ayon sa lipi ng kanilang mga ninuno.
48Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises,
49“Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni hindi mo kukunin ang bilang nila sa mga anak ni Israel;
50kundi itatalaga mo ang mga Levita sa tolda ng patotoo, at sa lahat ng kasangkapan niyon, at sa lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tolda, at ang lahat ng kasangkapan niyon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y magkakampo sa palibot ng tolda.
51Kapag ililipat ang tolda, tatanggalin ito ng mga Levita at kapag itatayo ang tolda ay itatayo ng mga Levita at ang sinumang ibang lumapit ay papatayin.
52Ang ibang mga Israelita ay magtatayo ng kanilang mga tolda, ayon sa kani-kanilang pangkat.
53Subalit ang mga Levita ay magkakampo sa palibot ng tolda ng patotoo, upang huwag magkaroon ng poot sa sambayanan ng mga anak ni Israel. Ang mga Levita ang mangangasiwa ng tolda ng patotoo.”
54Gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
Currently Selected:
MGA BILANG 1: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: