MGA BILANG 16
16
Ang Paghihimagsik nina Kora, Datan at Abiram
1Si Kora na anak ni Izar, na anak ni Kohat, na anak ni Levi, kasama sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab, at si On na anak ni Pelet, na mga anak ni Ruben,
2ay kumuha ng mga tao. Sila'y tumindig sa harap ni Moises, na kasama ng ilang mga anak ni Israel. Sila'y dalawandaan at limampung pinuno na mga lalaking kilala at pinili mula sa kapulungan.
3Sila'y nagtipon laban kina Moises at Aaron at sinabi nila sa kanila, “Sumusobra na kayo! Ang buong kapulungan ay banal, bawat isa sa kanila, at ang Panginoon ay nasa gitna nila; bakit nga ninyo itinataas ang inyong sarili sa kapulungan ng Panginoon?”
4Nang marinig ito ni Moises, siya ay nagpatirapa;
5at sinabi niya kay Kora at sa kanyang buong pangkat, “Sa kinaumagahan ay ipapakita ng Panginoon kung sino ang kanya, at kung sino ang banal, at kung sino ang palalapitin niya sa kanya. Samakatuwid, ang piliin niya ay siyang kanyang palalapitin sa kanya.
6Gawin ninyo ito: Kumuha kayo ng mga suuban, si Kora at ang kanyang buong pangkat.
7Lagyan ninyo ng apoy at patungan ninyo ng insenso bukas sa harap ng Panginoon at ang taong piliin ng Panginoon ay siyang banal. Lumalabis na kayo, kayong mga anak ni Levi!”
8At sinabi ni Moises kay Kora, “Pakinggan ninyo ngayon, kayong mga anak ni Levi!
9Minamaliit pa ba ninyo na kayo'y ibinukod ng Diyos ng Israel sa sambayanan ng Israel, upang ilapit niya kayo sa kanya, upang gawin ninyo ang paglilingkod sa tabernakulo ng Panginoon, at upang kayo'y tumayo sa harap ng kapulungan na mangasiwa sa kanila?
10At inilapit ka niya at ang lahat ng iyong mga kapatid na mga anak ni Levi, at inyong hinahangad pa ang pagkapari?
11Kaya't ikaw at ang iyong buong pangkat ay nagtitipon laban sa Panginoon; sino si Aaron, na nagrereklamo kayo laban sa kanya?
12At ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab; ngunit kanilang sinabi, “Hindi kami pupunta!”
13Maliit na bagay pa ba na kami ay iyong pinaalis sa isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot, upang kami ay patayin sa ilang at gawin mo pa ang iyong sarili na aming pinuno?
14Bukod dito'y hindi mo kami dinala sa isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot, ni binigyan mo kami ng manang bukid at mga ubasan. Dudukitin mo ba pati ang mga mata ng mga taong ito? Hindi kami pupunta!”
15At si Moises ay galit na galit, at sinabi sa Panginoon, “Huwag mong igalang ang kanilang handog. Hindi ako kumuha ng isang asno sa kanila, ni gumawa ng masama sa kanino man sa kanila.”
16At sinabi ni Moises kay Kora, “Humarap ka bukas at ang iyong buong pangkat sa Panginoon, ikaw, sila, at si Aaron.
17Kumuha ang bawat isa ng kanyang suuban, at lagyan ninyo ng insenso, at dalhin ninyo sa harap ng Panginoon, na bawat isa'y magdala ng kanyang suuban, na dalawandaan at limampung suuban; ikaw naman at si Aaron, bawat isa sa inyo'y may kanyang suuban.”
18Kaya't kinuha ng bawat isa ang kanyang suuban, at kanilang nilagyan ng apoy at kanilang pinatungan ng insenso at sila'y tumayo sa pintuan ng toldang tipanan na kasama nina Moises at Aaron.
19At tinipon ni Kora ang buong kapulungan laban sa kanila sa pintuan ng toldang tipanan, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagpakita sa buong kapulungan.
Pinarusahan ang Naghimagsik
20Nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
21“Humiwalay kayo sa kapulungang ito, upang malipol ko sila sa isang iglap.”
22Sila'y nagpatirapa, at nagsabi, “O Diyos, na Diyos ng mga espiritu ng lahat ng laman, sa pagkakasala ba ng isang tao ay magagalit ka sa buong kapulungan?”
23Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
24“Sabihin mo sa kapulungan, ‘Lumayo kayo sa palibot ng tirahan nina Kora, Datan at Abiram.’”
25At si Moises ay tumayo at pumaroon kina Datan at Abiram; at ang matatanda sa Israel ay sumunod sa kanya.
26Sinabi ni Moises sa kapulungan, “Lumayo kayo, isinasamo ko sa inyo, sa mga tolda ng masasamang taong ito, at huwag ninyong hawakan ang anumang bagay na kanila, baka kayo'y mamatay kasama ng lahat nilang kasalanan.”
27Kaya't lumayo sila sa tolda nina Kora, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram ay lumabas at tumayo sa pintuan ng kanilang mga tolda kasama ng kanilang mga asawa, mga anak, at mga bata.
28At sinabi ni Moises, “Dito ninyo makikilala na ako'y sinugo ng Panginoon na gawin ang lahat ng mga gawang ito, at ito'y hindi ko sariling kagustuhan.
29Kung ang mga taong ito ay mamatay sa karaniwang kamatayan ng lahat ng tao, o dumating sa kanila ang likas na kapalaran ng lahat ng tao, hindi nga ako sinugo ng Panginoon.
30Ngunit kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay, at ibuka ng lupa ang kanyang bibig at sila'y lamunin, kasama ng lahat ng nauukol sa kanila, at sila'y buháy na ibaba sa Sheol, inyo ngang malalaman na hinamak ng mga taong ito ang Panginoon.”
31Nangyari nga, pagkatapos na masabi niya ang lahat ng salitang ito, ang lupa na nasa ilalim nila ay nahati.
32At ibinuka ng lupa ang kanyang bibig at nilamon sila, at ang kanilang mga sambahayan, at ang lahat ng lalaki na kabilang kay Kora, at lahat ng kanilang ari-arian.
33Anupa't sila at lahat ng kabilang sa kanila ay buháy na bumaba sa Sheol at sila'y pinagsarhan ng lupa, at sila'y nalipol mula sa sambayanan.
34Ang buong Israel na nasa palibot nila ay tumakas sa sigawan nila; sapagkat kanilang sinabi, “Baka pati tayo'y lamunin ng lupa!”
35May apoy na lumabas mula sa Panginoon, at nilamon ang dalawandaan at limampung lalaki na naghandog ng insenso.
Pinitpit ang mga Suuban ng mga Naghimagsik
36Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
37“Sabihin mo kay Eleazar na anak ng paring si Aaron, na kanyang kunin ang mga suuban mula sa sunog, at magkalat ng apoy doon; sapagkat mga banal iyon;
38pati ang mga suuban ng mga makasalanang ito laban sa kanilang sariling buhay, at gawin mo ang mga ito na mga pinitpit na pantakip sa dambana, sapagkat kanilang inihandog sa harap ng Panginoon, kaya't banal ang mga ito. Sa gayon, magiging isang tanda ito sa mga anak ni Israel.”
39Kaya't kinuha ng paring si Eleazar ang mga tansong suuban na inihandog ng mga nasunog; at kanilang pinitpit bilang pantakip sa dambana,
40upang maging alaala sa mga anak ni Israel, upang sinumang ibang tao na hindi pari, na hindi mga anak ni Aaron ay huwag lumapit upang magsunog ng insenso sa harap ng Panginoon at nang huwag maging tulad ni Kora at ng kanyang mga kasama; gaya ng sinabi ng Panginoon kay Eleazar sa pamamagitan ni Moises.
Nagreklamo ang Kapulungan kina Moises at Aaron
41Subalit kinabukasan ay nagreklamo ang buong kapulungan ng mga anak ni Israel kina Moises at Aaron, na sinasabi, “Pinatay ninyo ang bayan ng Panginoon.”
42At nang magtipon ang kapulungan laban kina Moises at Aaron, sila'y tumingin sa dako ng toldang tipanan; at nakita nilang tinakpan iyon ng ulap at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw.
43At sina Moises at Aaron ay pumunta sa harapan ng toldang tipanan.
44Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
45“Lumayo kayo sa gitna ng kapulungang ito, upang aking lipulin sila sa isang iglap.” At sila'y nagpatirapa.
46At sinabi ni Moises kay Aaron, “Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng insenso, at dalhin mo agad sa kapulungan, at tubusin mo sila sapagkat ang poot ay lumabas mula sa Panginoon, ang salot ay nagpapasimula na.
47Kinuha iyon ni Aaron gaya ng sinabi ni Moises, at siya'y tumakbo sa gitna ng kapulungan na doon ang salot ay nagpasimula na sa gitna ng bayan at siya'y naglagay ng insenso at itinubos para sa bayan.
48Siya'y tumayo sa gitna ng mga patay at ng mga buháy at ang salot ay tumigil.
49Ang namatay sa salot ay labing-apat na libo at pitong daan, bukod pa sa mga namatay dahil sa nangyari kay Kora.
50Nang ang salot ay tumigil, si Aaron ay bumalik kay Moises sa pintuan ng toldang tipanan.
Currently Selected:
MGA BILANG 16: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: