YouVersion Logo
Search Icon

MGA BILANG 17

17
Ang Tungkod ni Aaron ay Namulaklak
1Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2“Magsalita ka sa mga anak ni Israel, at kumuha ka sa kanila ng mga tungkod, isa sa bawat sambahayan ng mga ninuno; sa lahat nilang mga pinuno ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, labindalawang tungkod: isulat mo ang pangalan ng bawat isa sa kanyang tungkod.
3Isusulat mo ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi, sapagkat magkakaroon ng isa lamang tungkod para sa bawat pinuno sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno.
4Ilagay mo ang mga ito sa toldang tipanan sa harap ng patotoo, kung saan ako nakikipagtagpo sa inyo.
5Mamumulaklak ang tungkod ng lalaking aking pipiliin, at patitigilin ko ang mga pagrereklamo ng mga anak ni Israel, na kanilang inerereklamo laban sa inyo.
6Si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel, at ang lahat ng kanilang mga pinuno ay nagbigay sa kanya ng tungkod, isa sa bawat pinuno ayon sa mga sambayanan ng kanilang mga ninuno, labindalawang tungkod, at ang tungkod ni Aaron ay nasa kalagitnaan ng kanilang mga tungkod.
7Inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ng Panginoon sa tolda ng patotoo.
8Kinabukasan,#Heb. 9:4 nang si Moises ay pumasok sa tolda ng patotoo; ang tungkod ni Aaron sa sambahayan ni Levi ay namulaklak at nagkaroon ng mga hinog na almendras.
9Mula sa harap ng Panginoon ay inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod sa harap ng lahat ng mga anak ni Israel at kanilang pinagmasdan. Kinuha ng bawat lalaki ang kanyang tungkod.
10At sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ibalik mo ang tungkod ni Aaron sa harap ng patotoo, upang ingatan bilang tanda laban sa mga mapaghimagsik; at nang iyong wakasan ang kanilang mga pagrereklamo laban sa akin, upang hindi sila mamatay.”
11Gayon ang ginawa ni Moises; kung paanong iniutos ng Panginoon sa kanya ay gayon niya ginawa.
12Sinabi ng mga anak ni Israel kay Moises, “Narito, kami ay patay, kami ay napahamak, kaming lahat ay napahamak.”
13Lahat ng lumalapit sa tabernakulo ng Panginoon ay mamamatay. Kami bang lahat ay malilipol?”

Currently Selected:

MGA BILANG 17: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in