MGA BILANG 24
24
Ang Ikatlong Talinghaga ni Balaam
1Nang makita ni Balaam na ikinatuwa ng Panginoon na pagpalain ang Israel, hindi siya pumunta na gaya nang una, upang maghanap ng tanda, kundi kanyang iniharap ang kanyang mukha sa dakong ilang.
2Itinaas ni Balaam ang kanyang paningin, at kanyang nakita ang Israel na nagkakampo ayon sa kanilang mga lipi; at ang Espiritu ng Diyos ay dumating sa kanya.
3At binigkas niya ang kanyang talinghaga, na sinasabi:
“Ang sinabi ni Balaam na anak ni Beor,
ang sinabi ng lalaking bukas#24:3 o nakapikit, o sakdal. ang mga mata,
4ang sabi niya na nakarinig ng mga salita ng Diyos,
na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,
na nakalugmok ngunit bukas ang mga mata.
5Napakaganda ng iyong mga tolda, O Jacob,
ang iyong mga himpilan, O Israel!
6Gaya ng mga libis na abot hanggang sa malayo,
gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog,
gaya ng aloe na itinanim ng Panginoon,
gaya ng mga puno ng sedro sa tabi ng ilog.
7Ang tubig ay aagos mula sa kanyang pang-igib,
at ang kanyang binhi ay matatatag sa maraming tubig,
ang kanyang hari ay tataas ng higit kay Agag,
at ang kanyang kaharian ay matatanyag.
8Ang Diyos ang naglalabas sa kanya sa Ehipto;
may lakas na gaya ng mabangis na toro.
Kanyang lalamunin ang mga bansa na kanyang mga kaaway,
at kanyang babaliin ang kanilang mga buto,
at papanain sila ng kanyang mga palaso.
9Siya'y#Gen. 49:9; Gen. 12:3 yumuko, siya'y lumugmok na parang leon,
at parang isang babaing leon, sinong gigising sa kanya?
Pagpalain nawa ang lahat na nagpapala sa iyo,
at sumpain ang lahat na sumusumpa sa iyo.”
Ang Ikaapat na Talinghaga ni Balaam
10Ang galit ni Balak ay nagningas laban kay Balaam. Isinuntok ni Balak ang kanyang mga kamay at sinabi kay Balaam, “Tinawag kita upang iyong sumpain ang aking mga kaaway, ngunit binasbasan mo sila nang tatlong ulit.
11Ngayon nga ay umalis ka patungo sa iyong lugar. Aking inisip na lubos kitang gantimpalaan ngunit pinigil ng Panginoon ang iyong gantimpala.”
12At sinabi ni Balaam kay Balak, “Di ba sinabi ko rin sa iyong mga sugo,
13kahit ibigay sa akin ni Balak ang kanyang bahay na punô ng pilak at ginto ay hindi ako maaaring lumampas sa salita ng Panginoon na gumawa ng mabuti o masama sa aking sariling kalooban. Kung ano ang sabihin ng Panginoon ay siya kong sasabihin?
14Ngayon, ako'y pupunta sa aking bayan. Pumarito ka at aking ipahahayag sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw.”
15At binigkas niya ang kanyang talinghaga, na sinasabi:
“Ang sabi ni Balaam na anak ni Beor,
ang sabi ng taong bukas ang mga mata,
16ang sabi niya, na nakarinig ng mga salita ng Diyos,
at nakaalam ng karunungan ng Kataas-taasan,
na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,
na nakalugmok ngunit bukas ang kanyang mga mata.
17Aking makikita siya, ngunit hindi ngayon;
aking pagmamasdan siya, ngunit hindi sa malapit:
Lalabas ang isang bituin sa Jacob,
at may isang setro na lilitaw sa Israel,
at dudurugin ang noo#24:17 o hangganan. ng Moab,
at lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
18Ang Edom ay sasamsaman,
ang Seir na kanyang mga kaaway ay sasamsaman rin,
samantalang ang Israel ay nagpapakatapang.
19Sa pamamagitan ng Jacob ay magkakaroon ng kapamahalaan,
at ang nalalabi sa bayan ay pupuksain.”
20Pagkatapos siya'y tumingin sa Amalek, at binigkas ang kanyang talinghaga na sinasabi,
“Ang Amalek ay siyang dating nangunguna sa mga bansa;
ngunit sa huli siya ay mapupuksa.”
21At tumingin siya sa Kineo, at binigkas ang kanyang talinghaga na sinasabi,
“Matibay ang iyong tirahan,
at ang iyong pugad ay nasa malaking bato;
22gayunma'y mawawasak ang Cain.
Gaano katagal na bibihagin ka ng Ashur?”
23At siya'y nagsalita ng talinghaga, na sinasabi:
“Sinong mabubuhay kapag ginawa ito ng Diyos?
24Ngunit ang mga barko ay manggagaling sa baybayin ng Kittim
at kanilang pahihirapan ang Ashur at Eber,
at siya man ay pupuksain.”
25Pagkatapos, si Balaam ay tumindig at bumalik sa kanyang lugar; at si Balak ay umalis na rin.
Currently Selected:
MGA BILANG 24: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: