MGA BILANG 6
6
Ang Batas tungkol sa mga Nazirita
1Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2“Sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Kapag ang sinumang lalaki o babae ay gagawa ng panata ng isang Nazirita#6:2 Ang ibig sabihin ay ibinukod o itinalaga. upang italaga ang sarili para sa Panginoon,
3ay lalayo#Lu. 1:15 siya sa alak at sa matapang na inumin. Siya'y hindi iinom ng tubang mula sa alak, o anumang inuming nakalalasing, ni iinom man ng anumang katas ng ubas o kakain man ng ubas na sariwa o pinatuyo.
4Sa lahat ng araw ng kanyang pagiging Nazirita, hindi siya kakain ng anumang bagay na ibinubunga ng puno ng ubas, magmula sa mga butil hanggang sa balat.
5“Sa lahat ng araw ng kanyang panata bilang Nazirita ay walang pang-ahit na daraan sa ibabaw ng kanyang ulo; hanggang sa matapos ang mga araw nang pagkabukod ng kanyang sarili sa Panginoon, siya'y magiging banal; kanyang pababayaang humaba ang buhok ng kanyang ulo.
6“Sa lahat ng araw ng kanyang pagbubukod ng kanyang sarili para sa Panginoon, ay hindi siya lalapit sa bangkay.
7Maging sa kanyang ama o sa kanyang ina, o sa kanyang kapatid na lalaki, o babae, kapag sila'y namatay ay hindi siya magpapakarumi, sapagkat ang kanyang pagkakabukod para sa Diyos ay nasa kanyang ulo.
8Sa lahat ng araw ng kanyang pagkabukod ay banal siya sa Panginoon.
9“At kung ang sinuman ay biglang mamatay sa tabi niya at nadungisan niya ang kanyang ulong itinalaga, aahitan niya ang kanyang ulo sa araw ng kanyang paglilinis; sa ikapitong araw ay aahitan niya ito.
10Sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batu-bato o dalawang batang kalapati sa pari sa pintuan ng toldang tipanan.
11Ihahandog ng pari ang isa na handog pangkasalanan at ang isa'y handog na sinusunog at itutubos sa kanya, sapagkat siya'y nagkasala dahil sa bangkay, at itatalaga niya ang kanyang ulo sa araw ding iyon.
12At itatalaga niya sa Panginoon ang mga araw ng kanyang pagkabukod, at siya'y magdadala ng isang korderong lalaki na isang taong gulang na handog pangkasalanan subalit ang mga unang araw ay mawawalan ng kabuluhan, sapagkat ang kanyang pagkabukod ay nadungisan.
13“At#Gw. 21:23, 24 ito ang batas tungkol sa Nazirita, kapag natapos na ang mga araw ng kanyang pagkabukod, siya'y dadalhin sa pintuan ng toldang tipanan.
14At kanyang ihahandog ang kanyang alay sa Panginoon, na isang korderong lalaki na isang taon na walang kapintasan, bilang handog na sinusunog, at isang korderong babae na isang taon na walang kapintasan bilang handog pangkasalanan at isang lalaking tupa na walang kapintasan bilang handog pangkapayapaan,
15at isang bakol na tinapay na walang pampaalsa, mga munting tinapay ng piling harina na hinaluan ng langis at maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis, at ang handog na butil niyon at ang mga handog na inumin niyon.
16Ihaharap iyon ng pari sa harapan ng Panginoon, at ihahandog ang kanyang handog pangkasalanan at ang kanyang handog na sinusunog.
17Kanyang ihahandog sa Panginoon ang lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan na kalakip ng bakol ng mga tinapay na walang pampaalsa. Ihahandog din ng pari ang handog na butil niyon at ang handog na inumin niyon.
18Ang Nazirita ay mag-aahit ng kanyang ulo ng pagkatalaga doon sa pintuan ng toldang tipanan at kanyang dadamputin ang buhok ng kanyang ulo ng pagkatalaga at ilalagay sa ibabaw ng apoy na nasa ilalim ng alay na handog pangkapayapaan.
19At kukunin ng pari ang lutong balikat ng tupa, at isang munting tinapay na walang pampaalsa sa bakol, at isang manipis na tinapay na walang pampaalsa, at ilalagay sa mga kamay ng Nazirita, pagkatapos makapag-ahit ng buhok ng kanyang pagkatalaga.
20Ang mga ito ay iwawagayway ng pari bilang handog na iwinagayway sa harapan ng Panginoon; ito'y banal sa pari, pati ang dibdib na iwinagayway at ang hitang inialay; at pagkatapos nito, ang Nazirita ay maaari nang uminom ng alak.
21“Ito ang batas para sa Nazirita na nagpanata. Ang kanyang alay sa Panginoon ay magiging ayon sa kanyang panata bilang Nazirita, bukod pa sa kanyang nakayanan; ayon sa kanyang panata na kanyang ipinangako ay gayon niya dapat gawin, ayon sa batas para sa kanyang pagkabukod bilang isang Nazirita.”
Ang Basbas ng Pari sa mga Anak ni Israel
22Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
23“Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak, ‘Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; sasabihin ninyo sa kanila:
24Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka.
25Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kanyang mukha sa iyo, at mahabag sa iyo.
26Ilingap nawa ng Panginoon ang kanyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.
27Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel, at pagpapalain ko sila.”
Currently Selected:
MGA BILANG 6: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: