YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 113

113
Bilang Pagpupuri sa Kabutihan ng Panginoon
1Purihin ang Panginoon!
Purihin ninyo, O mga lingkod ng Panginoon,
purihin ang pangalan ng Panginoon!
2Purihin ang pangalan ng Panginoon
mula sa panahong ito at magpakailanman.
3Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito,
ang pangalan ng Panginoon ay dapat purihin!
4Ang Panginoon ay higit na mataas sa lahat ng mga bansa,
at ang kanyang kaluwalhatian sa itaas ng kalangitan.
5Sino ang gaya ng Panginoon nating Diyos,
na nakaupo sa itaas,
6na nagpapakababang tumitingin
sa kalangitan at sa lupa?
7Ibinabangon niya ang dukha mula sa alabok,
at itinataas ang nangangailangan mula sa bunton ng abo,
8upang kasama ng mga pinuno ay paupuin sila,
mga pinuno ng kanyang bayan ang kanilang kasama.
9Ginagawa niyang manatili sa bahay ang baog na babae,
isang masayang ina ng mga anak.
Purihin ang Panginoon!

Currently Selected:

MGA AWIT 113: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in