MGA AWIT 146:7-8
MGA AWIT 146:7-8 ABTAG01
na naglalapat ng katarungan sa naaapi; na nagbibigay ng pagkain sa nagugutom. Pinalalaya ng PANGINOON ang mga bilanggo; binubuksan ng PANGINOON ang mga mata ng bulag. Ibinabangon ng PANGINOON ang mga nabubuwal. Iniibig ng PANGINOON ang matuwid.