YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 4

4
Panalangin ng Saklolo
Sa Punong Mang-aawit: sa Saliw ng Instrumentong may Kuwerdas. Awit ni David.
1Sagutin mo ako kapag tumatawag ako,
O Diyos na tagapagtanggol ko!
Binigyan mo ako ng silid nang ako'y nasa kagipitan.
Maawa ka sa akin, at dalangin ko'y iyong pakinggan.
2O tao, hanggang kailan magdaranas ng kahihiyan ang aking karangalan?
Gaano katagal mo iibigin ang mga salitang walang kabuluhan, at hahanapin ang kabulaanan? (Selah)
3Ngunit alamin ninyo na ibinukod ng Panginoon para sa kanyang sarili ang banal;
ang Panginoon ay nakikinig kapag sa kanya ako'y nagdarasal.
4Magalit#Ef. 4:26 ka, subalit huwag kang magkakasala;
magbulay-bulay ka ng iyong puso sa iyong higaan, at tumahimik ka. (Selah)
5Maghandog kayo ng matuwid na mga alay,
at ang inyong pagtitiwala sa Panginoon ilagay.
6Marami ang nagsasabi, “Sana'y makakita kami ng ilang kabutihan!
O Panginoon, ang liwanag ng iyong mukha sa amin ay isilay!”
7Ikaw ay naglagay ng kagalakan sa aking puso,
kaysa nang ang kanilang butil at alak ay sagana.
8Payapa akong hihiga at gayundin ay matutulog;
sapagkat ikaw lamang, O Panginoon, ang gumagawa upang mamuhay ako sa katiwasayan.

Currently Selected:

MGA AWIT 4: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in