MGA AWIT 84
84
Sa Punong Mang-aawit: ayon sa Ang Gittith. Awit ng mga Anak ni Kora.
1Napakaganda ng tahanan mo,
O Panginoon ng mga hukbo!
2Ang kaluluwa ko'y nananabik, oo, nanghihina
para sa mga bulwagan ng Panginoon;
ang puso ko't laman ay umaawit sa kagalakan
sa buháy na Diyos.
3Maging ang maya ay nakakatagpo ng bahay,
at ang layang-layang ay ng pugad para sa kanya,
na mapaglalagyan niya ng kanyang inakay,
O Panginoon ng mga hukbo, sa mga dambana mo,
Hari ko, at Diyos ko.
4Mapalad silang naninirahan sa bahay mo,
na laging umaawit ng pagpupuri sa iyo! (Selah)
5Mapalad ang mga tao na ang mga kalakasan ay nasa iyo;
na ang mga daan tungo sa Zion ay nasa kanilang puso.
6Sa kanilang pagdaan sa libis ng Baca,
ay ginawa nila itong dako ng mga bukal;
kinakalatan din ito ng mga pagpapala ng maagang ulan.
7Sila'y humahayo sa lakas at lakas,
ang Diyos ng mga diyos ay makikita sa Zion.
8O Panginoong Diyos ng mga hukbo, pakinggan mo ang aking panalangin,
pakinggan mo, O Diyos ni Jacob. (Selah)
9Masdan mo ang aming kalasag, O Diyos,
tingnan mo ang mukha ng iyong pinahiran ng langis!
10Sapagkat ang isang araw sa iyong mga bulwagan
ay mabuti kaysa isang libo saanman.
Nanaisin ko pang maging tanod sa pintuan sa bahay ng aking Diyos,
kaysa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11Sapagkat ang Panginoong Diyos ay araw at kalasag,
siya'y nagbibigay ng biyaya at karangalan.
Walang mabuting bagay ang ipagkakait ng Panginoon
sa mga nagsisilakad nang matuwid.
12O Panginoon ng mga hukbo,
mapalad ang taong nagtitiwala sa iyo!
Currently Selected:
MGA AWIT 84: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: