APOCALIPSIS 15
15
Ang mga Anghel na may Panghuling Salot
1At nakita ko ang isa pang tanda sa langit, dakila at kamanghamangha: pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagkat sa mga ito'y matatapos ang poot ng Diyos.
2At nakita ko ang tulad sa isang dagat na kristal na may halong apoy, at ang mga dumaig sa halimaw at sa larawan nito, at sa bilang ng pangalan nito na nakatayo sa tabi ng dagat na kristal at may hawak na mga alpa ng Diyos.
3At#Exo. 15:1 inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Diyos, at ang awit ng Kordero na sinasabi,
“Dakila at kamanghamangha ang iyong mga gawa,
O Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat!
Matuwid at tunay ang iyong mga daan,
ikaw na Hari ng mga bansa.
4Sinong#Jer. 10:7; Awit 86:9 hindi matatakot
at luluwalhati sa iyong pangalan O Panginoon,
sapagkat ikaw lamang ang banal.
Ang lahat ng mga bansa ay darating
at sasamba sa harapan mo;
sapagkat ang iyong mga matuwid na gawa ay nahayag.”
5Pagkatapos#Exo. 38:21 ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at ang templo ng tolda ng patotoo sa langit ay nabuksan.
6At mula sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, na nakadamit ng dalisay at makintab na lino, at nabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib.
7At isa sa apat na nilalang na buháy ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na punô ng poot ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman.
8At#Exo. 40:34; 1 Ha. 8:10, 11; 2 Cro. 5:13, 14; Isa. 6:4 napuno ng usok ang templo mula sa kaluwalhatian ng Diyos at mula sa kanyang kapangyarihan; at walang sinumang nakapasok sa templo hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.
Currently Selected:
APOCALIPSIS 15: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: