YouVersion Logo
Search Icon

I SAMUEL 4

4
Ang Israel ay tinalo ng mga Filisteo at kinuha ang kaban.
1At ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel, Ngayo'y lumabas ang Israel laban sa mga Filisteo upang makipagbaka, at humantong sa #1 Sam. 5:1; 7:12. Eben-ezer: at ang mga Filisteo ay humantong sa #1 Sam. 2:13, 25.Aphec.
2At ang mga Filisteo ay humanay laban sa Israel: at nang sila'y magsagupa, ang Israel ay nasaktan sa harap ng mga Filisteo; at kanilang pinatay sa hukbo sa parang, ay may apat na libong lalake.
3At nang ang bayan ay dumating sa kampamento, ay sinabi ng mga matanda sa Israel, Bakit sinaktan tayo ngayon ng Panginoon sa harap ng mga Filisteo? #Blg. 14:44.Ating dalhin sa atin ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa Silo, upang mapasa gitna natin yaon, at iligtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway.
4Sa gayo'y nagsugo ang bayan sa Silo, at kanilang dinala mula roon ang kaban ng tipan ng Panginoon ng mga hukbo, #Ex. 25:22; Awit 99:1.na nauupo sa gitna ng mga querubin: at ang dalawang anak ni Eli, si Ophni at si Phinees, ay nandoon na binabantayan ang kaban ng tipan ng Dios.
5At nang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay pumasok sa kampamento, ang buong Israel ay #Jos. 6:5, 20. humiyaw ng malakas na hiyaw, na ano pa't naghinugong sa #1 Hari 1:45.lupa.
6At nang marinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyaw, ay nagsipagsabi, Ano ang kahulugan ng ingay nitong malakas na hiyaw sa kampamento ng mga Hebreo? At kanilang natalastas na ang kaban ng Panginoon ay ipinasok sa kampamento.
7At ang mga Filisteo ay nangatakot, sapagka't kanilang sinabi, Ang Dios ay pumasok sa kampamento. At kanilang sinabi, Sa aba natin! sapagka't hindi pa nagkakaroon ng ganyang bagay kailan man.
8Sa aba natin! sino ang magliligtas sa atin sa kamay ng makapangyarihang mga dios na ito? ito ang mga dios na nanakit sa mga taga-Egipto ng sarisaring salot sa ilang.
9 # 2 Sam. 10:12; 1 Cor. 16:13. Kayo'y magpakalakas at magpakalalake, Oh kayong mga Filisteo, upang kayo'y huwag maging mga alipin ng mga Hebreo, #Huk. 13:1.na gaya ng naging lagay nila sa inyo: kayo'y magpakalalake, at magsilaban.
10At ang mga Filisteo ay nagsilaban, at #Awit 78:60-64.ang Israel ay nasaktan, at #2 Sam. 18:17; 19:8; 2 Hari 14:12.tumakas ang bawa't isa sa kanila sa kaniyang tolda: at nagkaroon ng malaking patayan; sapagka't nabuwal sa Israel ay tatlong pung libong lalaking lakad.
11At ang kaban ng Dios ay kinuha; at ang #1 Sam. 2:34.dalawang anak ni Eli, si Ophni at Phinees ay pinatay.
Ang kamatayan ni Eli.
12At tumakbo ang isang lalake ng Benjamin na mula sa hukbo, at #2 Sam. 1:2.naparoon sa Silo nang araw ding yaon, na may barong hapak at #Jos. 7:6.may lupa sa kaniyang ulo.
13At nang siya'y dumating, narito, si Eli ay nakaupo #tal. 18; 1 Sam. 1:9.sa kaniyang upuan sa tabi ng daan na nagbabantay; sapagka't ang kaniyang puso'y nanginginig dahil sa kaban ng Dios. At nang ang tao ay pumasok sa bayan, at saysayin ang mga balita, ang buong bayan ay humiyaw.
14At nang marinig ni Eli ang ingay ng hiyawan, ay kaniyang sinabi, Ano ang kahulugan ng kaingay ng gulong ito? At ang tao'y nagmadali, at naparoon, at isinaysay kay Eli.
15Si Eli nga'y may siyam na pu't walong taon na; at #1 Sam. 3:2; 1 Hari 14:4.ang kaniyang mga mata'y malalabo na, siya'y di na makakita.
16 # 2 Sam. 1:14. At sinabi ng lalake kay Eli, Ako yaong nanggaling sa hukbo, at ako'y tumakas ngayon mula sa hukbo. At kaniyang sinabi, Paano ang nangyari, anak ko?
17At siya na nagdala ng mga balita ay sumagot at nagsabi, Ang Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo, at nagkaroon din naman doon ng isang malaking patayan sa gitna ng bayan, at pati ng iyong dalawang anak, si Ophni at si Phinees ay patay na, at ang kaban ng Dios ay kinuha.
18At nangyari, nang kaniyang banggitin ang kaban ng Dios, na siya'y nabuwal sa likuran sa kaniyang upuan sa dako ng pintuang-bayan; at nabalian siya sa leeg, at siya'y namatay: sapagka't siya'y lalaking matanda at mabigat. At hinatulan niya ang Israel na apat na pung taon.
19At ang kaniyang manugang, na asawa ni Phinees, ay buntis na kagampan: at pagkarinig niya ng balita na ang kaban ng Dios ay kinuha, at ang kaniyang biyanan at kaniyang asawa ay patay na, ay yumukod siya at napanganak; sapagka't ang kaniyang pagdaramdam ay dumating sa kaniya.
20At nang mamatay na siya, ay sinabi sa kaniya ng mga babaing #Gen. 35:17.nakatayo sa siping niya, Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay nanganak ng isang lalake. Nguni't hindi siya sumagot, o inalumana man niya.
21At ipinangalan niya sa #1 Sam. 14:3.bata ay Ichabod,#4:21 Sa makatuwid baga'y walang kaluwalhatian. na sinasabi, #Awit 26:8.Ang kaluwalhatian ay nahiwalay sa Israel; sapagka't ang kaban ng Dios ay kinuha, at dahil sa kaniyang biyanan at sa kaniyang asawa.
22At kaniyang sinabi, Ang kaluwalhatian ng Dios ay nahiwalay sa Israel; sapagka't ang kaban ng Dios ay kinuha.

Currently Selected:

I SAMUEL 4: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in