II MGA HARI 25
25
Nabihag ang Jerusalem.
1At nangyari nang #2 Cron. 36:17; Jer. 34:1, 2; 35:1, 2.ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari sa ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay naparoon, siya at ang buo niyang hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at nagsipagtayo sila ng mga kuta sa palibot laban doon.
2Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedecias.
3Nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan, ang kagutom ay lumala sa bayan, na anopa't walang tinapay sa bayan ng lupain.
4 #
Jer. 39:2; 52:7. Nang magkagayo'y gumawa ng isang butas sa kuta ng bayan, at ang #Hanggang tal. 12; Jer. 39:4-10.lahat na lalaking mangdidigma ay nagsitakas sa gabi sa daan ng pintuang-bayan sa #Ezek. 12:12.pagitan ng dalawang kuta, na nasa siping ng #Neh. 3:15.halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay nangasa tapat ng palibot ng bayan;) at ang hari ay yumaon sa daan ng #2 Sam. 15:28.Araba.
5Nguni't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari, at inabutan nila siya sa mga kapatagan ng Jerico: at ang buo niyang hukbo ay nangalat sa kaniya.
6Nang magkagayo'y kinuha nila ang hari #Jer. 32:4.at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa #2 Hari 23:33.Ribla; at sila'y nangagbigay ng kahatulan sa kaniya.
7At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias, sa harap ng kaniyang mga mata, at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya'y #Ezek. 12:13.nilagyan ng damal, at dinala siya sa Babilonia.
Giniba ang Jerusalem at ang templo.
8 #
Jer. 52:12. Nang ikalimang buwan nga, nang ikapitong araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, ay naparoon sa Jerusalem si Nabuzaradan na #Gen. 37:36.punong kawal ng bantay, na lingkod ng hari sa Babilonia.
9 #
2 Cron. 36:19. At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at ang #Os. 8:14.lahat na bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, ay sinunog niya ng apoy.
10At #Neh. 1:3.ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem sa palibot, ng buong hukbo ng mga Caldeo, na kasama ng punong kawal ng bantay.
11At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan, at yaong nagsihiwalay, na nagsihilig sa hari sa Babilonia, at ang labi sa karamihan, ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay.
12Nguni't iniwan ng punong kawal ng bantay ang mga #2 Hari 24:14; Jer. 40:7.pinakadukha sa lupain upang maging maguubas at magbubukid.
13At ang mga #1 Hari 7:15.haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, at ang mga #1 Hari 7:27.tungtungan at ang #1 Hari 7:23. dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, ay dinurog ng mga Caldeo, at dinala ang tanso sa Babilonia.
14 #
Ex. 27:3; 1 Hari 7:50. At ang mga palayok, at ang mga pala, at ang mga gunting, at ang mga kutchara, at ang lahat na kasangkapan na tanso na kanilang ipinangangasiwa, ay kanilang dinala.
15At ang mga apuyan, at ang mga mangkok; na ang sa ginto, ay ginto, at ang sa pilak ay pilak, pinagdadala ng punong kawal ng bantay.
16Ang #tal. 13.dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang mga tungtungan, na ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon; #1 Hari 7:47.ang tanso ng lahat ng kasangkapang ito ay walang timbang.
17 #
1 Hari 7:15-18; 2 Cron. 3:15. Ang taas ng isang haligi ay labing walong siko, at isang kapitel na tanso ang nasa dulo niyaon; at ang taas ng kapitel ay tatlong siko, na may yaring lambat at mga granada sa kapitel sa palibot, lahat ay tanso; at mayroong gaya ng mga ito ang ikalawang haligi na may yaring lambat.
18At kinuha ng punong kawal ng bantay si #1 Cron. 6:14.Saraias na dakilang saserdote, at si #Jer. 21:1; 29:25; 37:3.Sophonias na #2 Hari 23:4.ikalawang saserdote, at ang tatlong tagatanod-pinto:
19At sa bayan ay kumuha siya ng isang pinuno na inilagay sa mga lalaking mangdidigma: at #Jer. 52:25. limang lalake sa kanila na nakakita ng mukha ng hari #Est. 1:14.na nangasumpungan sa bayan: at ang kalihim, ang punong kawal ng hukbo, na humusay ng bayan ng lupain; at anim na pung lalake ng bayan ng lupain, na nangasumpungan sa bayan.
20At kinuha sila ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay, at dinala sila sa hari sa Babilonia sa #2 Hari 23:33.Ribla.
21At sinaktan sila ng hari sa Babilonia, at pinatay sila sa Ribla, sa lupain ng Hamath. Sa gayo'y dinala ang Juda na bihag mula sa kaniyang lupain.
Si Gedalias ay ginawang tagapamahala.
22At tungkol sa bayan na naiwan sa lupain ng Juda, na iniwan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ay sa mga yaon ginawa niyang tagapamahala si #Jer. 39:14; 40:5.Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan.
23Nang mabalitaan nga ng lahat #Jer. 40:7-9. ng pinuno ng mga hukbo, nila, at ng kanilang mga lalake, na ginawang tagapamahala si Gedalias ng hari sa Babilonia, ay nagsiparoon sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid bagay si Ismael na anak ni Nathanias, at si Johanan na anak ni Carea, at si Saraia na anak ni Tanhumet, na Netofatita, at si Jaazanias na anak ng Maachateo, sila at ang kanilang mga lalake.
24At si Gedalias ay sumampa sa kanila at sa kanilang mga lalake, at nagsabi sa kanila, Kayo'y huwag mangatakot ng dahil sa mga lingkod ng mga Caldeo: magsitahan kayo sa lupain, at kayo'y magsipaglingkod sa hari sa Babilonia, at ikabubuti ninyo.
25Nguni't nangyari #Jer. 40:14; 41:1, 2. nang ikapitong buwan, na si Ismael na anak ni Nathanias, na anak ni Elisama, na mula sa lahing hari, at sangpung lalake na kasama niya, ay naparoon, at sinaktan si Gedalias, na anopa't namatay, at ang mga Judio at ang mga Caldeo, na mga kasama niya sa Mizpa.
26At ang buong bayan, maliit at gayon din ang malaki, at ang mga pinuno ng hukbo, ay nagsitindig, at #Jer. 43:4-7.nagsiparoon sa Egipto; sapagka't sila'y nangatakot sa mga Caldeo.
Si Joachin ay pinagmagandahang loob ni Evil-merodach.
27At #Jer. 52:31-34.nangyari nang ikatatlongpu't pitong taon ng #2 Hari 24:12, 15.pagkabihag ni Joachin na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawangpu't pitong araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang taon na siya'y magpasimulang maghari, ay #Gen. 40:13.itinaas ang ulo ni Joachin na hari sa Juda sa bilangguan;
28At siya'y nagsalita na may kagandahang loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan sa itaas ng luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia.
29At kaniyang pinalitan ang kaniyang damit na pagkabihag. At kumain si Joachin ng tinapay sa harap niya na palagi #2 Sam. 9:7, 13.sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
30At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari, bawa't araw isang bahagi ng pagkain, lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.
Currently Selected:
II MGA HARI 25: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: