DEUTERONOMIO 8
8
Ang mabiyayang pakikisama ng Panginoon ay inalaala.
1Ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay inyong isasagawa, #Deut. 4:1; 5:32, 33; 6:1, 3.upang kayo'y mangabuhay at dumami, at inyong mapasok at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang.
2At iyong aalalahanin ang buong paraan #Deut. 1:3; 2:7; 29:5.na ipinatnubay sa iyo ng Panginoon mong Dios nitong apat na pung taon sa ilang, upang kaniyang mapangumbaba ka, #tal. 16.at subukin ka, #2 Cron. 32:31.na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi.
3At ikaw ay pinapangumbaba niya, at #Ex. 16:2, 3. pinapagdamdam ka niya ng gutom, #Ex. 16:12, 14, 35. at pinakain ka niya ng maná, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang maipakilala sa iyo #Mat. 4:4; Luc. 4:4.na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.
4 #
Deut. 29:5; Neh. 9:21. Ang iyong suot ay hindi naluma sa iyo, ni hindi namaga ang iyong paa nitong apat na pung taon.
5At iyong pagmunimuniin sa iyong puso, #2 Sam. 7:14; Awit 89:32; Heb. 12:5, 6; Apoc. 3:19.na kung paanong pinarurusahan ng tao ang kaniyang anak, ay gayon pinarurusahan ka ng Panginoon mong Dios.
6At iyong tutuparin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at matakot ka sa kaniya.
7Sapagka't dinala ka ng Panginoon mong Dios sa isang mabuting lupain, #Deut. 11:10, 12.na lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at ng mga kalaliman, na bumubukal sa mga libis at mga bundok.
8Lupain ng trigo at ng sebada at ng #Blg. 20:5. puno ng ubas at ng mga puno ng igos, at ng mga granada; lupain ng mga puno ng olibo at ng pulot:
9Lupain na kakainan mo ng tinapay na di kapos, na walang magkukulang sa iyo roon; lupain na ang #Deut. 33:25. mga bato ay bakal, at ang kaniyang mga burol ay makukunan mo ng tanso.
10At kakain ka, at mabubusog ka, at iyong pupurihin ang Panginoon mong Dios dahil sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa iyo.
11Magingat ka na baka iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, sa hindi mo pagtupad ng kaniyang mga utos, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito:
12 #
Deut. 6:11, 12; Os. 13:6. Baka pagka ikaw ay nakakain at nabusog, at nakapagtayo ng mabubuting bahay, at iyong natahanan;
13At pagka ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng tinatangkilik mo ay dumami;
14 #
1 Cor. 4:7. Ay magmataas ang iyong puso, at #Awit 78:11; 106:21.iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin;
15Na #Deut. 1:19.siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na tinatahanan #Blg. 21:6, 8.ng mga makamandag na ahas at #Ezek. 2:6.mga alakdan, at #Os. 13:5.uhaw na lupa, na walang tubig; #Ex. 17:6; Blg. 20:11.na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian;
16Na siyang nagpakain sa iyo #Ex. 16:15. ng maná sa ilang, na hindi nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang mapangumbaba ka, at kaniyang subukin ka, #Jer. 24:5, 7; Heb. 12:11.na pabutihin ka sa iyong wakas:
17At baka iyong sabihin sa iyong puso, Ang aking kapangyarihan at ang lakas ng aking kamay ang siyang nagbigay sa akin ng kayamanang ito.
18Kundi iyong aalalahanin ang Panginoon mong Dios, #Kaw. 10:22; Os. 2:8.sapagka't siya ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan; upang kaniyang papagtibayin ang kaniyang tipan na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, gaya nga sa araw na ito.
19At mangyayari, na kung iyong kalilimutan ang Panginoon mong Dios, at ikaw ay susunod sa ibang mga dios, at iyong paglilingkuran sila, at iyong sasambahin sila #Deut. 4:26.ay aking pinatototohanan laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y tunay na malilipol.
20Kung paano ang bansang nililipol ng Panginoon sa harap ninyo, #Dan. 9:11, 12.ay gayon kayo malilipol; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.
Currently Selected:
DEUTERONOMIO 8: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: