YouVersion Logo
Search Icon

MGA HEBREO 13

13
1Mamalagi nawa ang #Rom. 12:10; 1 Juan 3:10, 11, 18. pagibig sa mga kapatid.
2Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y #Gen. 18:3; 19:2. walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.
3Alalahanin ninyo #Mat. 25:36; Rom. 12:15; 1 Cor. 12:26; Col. 4:18. ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.
4 # 1 Cor. 7:38; 1 Tim. 4:3. Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: #1 Cor. 5:9-11. sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.
5Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; #Mat. 6:25, 34; Fil. 4:6, 11, 12; 1 Tim. 6:8. mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay #Jos. 1:5. hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.
6Ano pa't ating masasabi ng buong tapang,
# Awit 118:6. Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot:
Anong magagawa sa akin ng tao?
7Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng #Gal. 1:13. kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.
8Si Jesucristo ay #Apoc. 1:4, 8, 11, 17. siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.
9Huwag nga kayong padala #Ef. 4:14. sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; #Rom. 14:17. hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila.
10Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo.
11Sapagka't #Ex. 29:14. ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento.
12Kaya naman si Jesus, upang #Heb. 10:10. mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay #Mat. 21:39; 27:32; Juan 19:17, 18. nagbata sa labas ng pintuan.
13Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang #Heb. 11:26. kaniyang pagkadusta.
14Sapagka't dito'y #Fil. 3:20; Heb. 11:10, 16. wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap natin ang bayan na darating.
15Sa pamamagitan nga niya ay #Ef. 5:20. maghandog tayong palagi ng #Lev. 7:12; 1 Ped. 2:5. hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng #Os. 14:2. bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.
16Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at #1 Tim. 6:18. ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't #Fil. 4:18. sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.
17 # 1 Cor. 12:28. Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang #Luc. 16:2. mangagsusulit; #Gawa 20:24, 26. upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.
18Idalangin ninyo kami: #1 Tim. 5:25; 2 Tes. 3:1. sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay.
19At iniaaral ko sa inyong malabis na inyong gawin ito, upang ako'y masauli na lalong madali sa inyo.
20Ngayon #Rom. 15:33. ang Dios ng kapayapaan #Gawa 2:24. na muling nagdala mula sa mga patay #Juan 10:11, 16; 1 Ped. 2:25; 5:4. sa dakilang pastor ng mga tupa #Heb. 10:29. sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus,
21Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa #1 Ped. 5:10. bawa't mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, #Fil. 2:13. na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; #Rom. 11:36. na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
22Datapuwa't ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na inyong pagtiisan ang salitang iniaral: sapagka't kayo'y sinulatan ko ng ilang salita.
23Inyong talastasin na ang #2 Cor. 1:1; Col. 1:1; 1 Tes. 3:2. ating kapatid na si Timoteo ay pinawalan na; na kung siya'y dumating na madali, kayo'y makikita kong kasama niya.
24Batiin ninyo ang lahat ng mga #tal. 7. namiminuno sa inyo, at ang #Fil. 4:22. lahat ng mga banal. Kayo'y binabati ng nangasa Italia.
25Ang biyaya'y sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

Currently Selected:

MGA HEBREO 13: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in