ISAIAS 54
54
Ang pagpapalaki sa Sion.
1Umawit ka, #Gal. 4:27. Oh baog, ikaw na hindi nanganak; ikaw ay magbiglang umawit, at humiyaw ng malakas, ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak: sapagka't higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng #Is. 62:4. may asawa, sabi ng Panginoon.
2Iyong palakhin ang dako #Is. 49:19, 20. ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang magurong: habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos.
3Sapagka't ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; #Is. 65:5; 61:9. at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa, at patatahanan ang mga gibang bayan.
4Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay hindi mapapahiya: o malilito ka man; sapagka't hindi ka malalagay sa kahihiyan: sapagka't iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa.
5Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay #Jer. 3:14; Apoc. 19:7. iyong asawa; ang #Luc. 1:32. Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay #Is. 43:14. iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.
6Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang #Mat. 2:14, 15. asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios.
7Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan #Awit 30:5; Is. 26:20. kita; nguni't pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan.
8Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali; #Is. 55:3. nguni't kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ng Panginoon, na iyong Manunubos.
9Sapagka't ito ay #Gen. 8:21; 9:11. parang tubig ng panahon ni Noe sa akin; sapagka't kung paanong ako'y sumumpa, na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa, gayon ako'y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo, o sasaway sa iyo.
10Sapagka't ang mga bundok ay #Awit 46:2; Is. 51:6. mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o #Ezek. 34:25; 37:26; Mat. 2:6. ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
Ang lumalaking pagibig ng Panginoon sa Sion.
11Oh ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw, narito, aking ilalagay ang #Apoc. 21:19. iyong mga bato na may magandang mga kulay, at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro.
12At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan, at mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan, at mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan.
13At lahat mong anak ay #Jer. 31:34; Juan 6:45; 14:26; 1 Cor. 2:10; 1 Tes. 4:9; 1 Juan 2:20, 27. tuturuan ng Panginoon; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak.
14Sa katuwiran ay matatatag ka: ikaw ay malalayo sa kapighatian sapagka't yao'y hindi mo katatakutan; at sa kakilabutan, sapagka't hindi lalapit sa iyo.
15Narito, sila'y magkakapisan, nguni't #Os. 8:4. hindi sa pamamagitan ko: sinomang magpipisan laban sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo.
16Narito, aking nilalang ang panday na humihihip sa mga baga, at naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa; at aking nilalang ang manglilipol upang manglipol.
17Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at #Gawa 6:10. bawa't dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, #Is. 45:24, 25. at ang katuwiran nila ay sa akin, sabi ng Panginoon.
Currently Selected:
ISAIAS 54: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: