JUAN 16
16
1 #
Juan 15:18-27. Ang mga bagay na ito'y aking sinalita sa inyo, #Mat. 11:6. upang kayo'y huwag mangatisod.
2Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga: #Juan 9:22; 12:42. oo, dumarating ang oras, #Gawa 8:1; 9:1; 26:9, 11. na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios.
3At ang mga bagay na ito'y gagawin nila, sapagka't hindi nila nakikilala ang Ama, ni ako man.
4Datapuwa't ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras, ay inyong mangaalaala, kung paanong sinabi ko sa inyo. At ang mga bagay na ito'y hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una, sapagka't ako'y sumasa inyo.
5Datapuwa't ngayong #Juan 7:33; 13:3, 33; 14:12, 28. ako'y paroroon sa nagsugo sa akin; at #Juan 13:36; 14:5. sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin, Saan ka paroroon?
6Nguni't sapagka't sinalita ko ang mga bagay na ito sa inyo, ay napuno #Juan 14:1. ng kalumbayan ang inyong puso.
7Gayon ma'y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako'y yumaon; sapagka't kung hindi ako yayaon, #Juan 14:16, 24. ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y susuguin ko sa inyo.
8At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol:
9 #
Gawa 2:36, 37. Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin;
10 #
Gawa 17:31. Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita;
11Tungkol sa paghatol, #Juan 12:31. sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.
12Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, #Mar. 4:33. nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.
13Gayon ma'y kung siya, ang #Juan 14:17. Espiritu ng katotohanan ay dumating, #Juan 14:26. ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.
14Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.
15Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama #Mat. 11:27; Juan 17:10. ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.
16Sangdali na lamang, #Juan 14:19. at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sandali pa, at ako'y inyong makikita.
17 Ang ilan sa kaniyang mga alagad nga ay nangagsangusapan, Ano itong sinasabi niya sa atin, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita: at, Sapagka't ako'y paroroon sa Ama?
18Sinabi nga nila, Ano nga itong sinasabi niya, Sangdali na lamang? Hindi namin nalalaman kung ano ang sinasabi niya.
19Natalastas ni Jesus na sa kaniya'y ibig nilang itanong, at sa kanila'y sinabi niya, Nangagtatanungan kayo tungkol dito sa aking sinabi, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita, at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita?
20Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwa't ang sanglibutan ay magagalak: kayo'y mangalulumbay, datapuwa't #Mat. 5:4. ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.
21Ang babae pagka nanganganak #Is. 26:17. ay nalulumbay, sapagka't dumating ang kaniyang oras: nguni't pagkapanganak niya sa sanggol, ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanglibutan.
22At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.
23 #
Juan 14:20. At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. #Juan 14:13. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan.
24Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, #Juan 15:11. upang malubos ang inyong kagalakan.
25Sinalita ko sa inyo ang mga bagay na ito sa malalabong pananalita: darating ang oras, na hindi ko na kayo pagsasalitaan sa malalabong pananalita, kundi #Juan 7:13, 26; 10:24; 18:20. maliwanag na sa inyo'y sasaysayin ko ang tungkol sa Ama.
26Sa araw na yao'y magsisihingi kayo sa aking pangalan: at sa inyo'y hindi ko sinasabi, na kayo'y idadalangin ko sa Ama;
27Sapagka't #Juan 14:21, 23. ang Ama rin ang umiibig sa inyo, sapagka't ako'y inyong inibig, #Juan 17:8. at kayo'y nagsisampalataya na ako'y nagbuhat sa Ama.
28Nagbuhat ako sa Ama, #Juan 8:42; 13:3. at naparito ako sa sanglibutan: muling iniiwan ko ang sanglibutan, at #Juan 14:12. ako'y paroroon sa Ama.
29Sinasabi ng kaniyang mga alagad, Narito, ngayo'y nagsasalita kang malinaw, at wala kang sinasalitang anomang malabong pananalita.
30Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay, at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman: dahil dito'y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios.
31Sinagot sila ni Jesus, Ngayon baga'y nagsisisampalataya kayo?
32Narito, ang oras ay dumarating, #Mat. 26:31; Mar. 14:27. oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: #Juan 8:16, 29. at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin.
33Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon #Juan 14:27. sa akin ng kapayapaan. #Juan 15:20. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; #Rom. 8:37; 1 Juan 4:4; 5:4; Apoc. 12:11. aking dinaig ang sanglibutan.
Currently Selected:
JUAN 16: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: