MGA BILANG 35
35
Mga bayan na ibibigay sa mga Levita.
1At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga #Blg. 22:1.kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico, na sinasabi,
2 #
Jos. 14:3-4; 21:2; Ezek. 45:1-5; 48:8-14. Iutos mo sa mga anak ni Israel, na kanilang bigyan ang mga Levita sa mana na kanilang pagaari, ng mga bayan na matahanan; at ang mga #Lev. 25:34.pastulan sa palibot ng mga bayang yaon ay ibibigay ninyo sa mga Levita,
3At mapapasa kanila ang mga bayan upang tahanan; at ang kanilang mga pastulan ay sa kanilang mga kawan, at sa kanilang mga pagaari, at sa lahat nilang mga hayop.
4At ang mga pastulan sa mga bayan, na inyong ibibigay sa mga Levita, ay isang libong siko sa palibot mula sa kuta ng bayan hanggang sa dakong labas.
5At ang inyong susukatin sa labas ng bayan sa dakong silanganan ay dalawang libong siko, at sa dakong timugan ay dalawang libong siko, at sa dakong kalunuran ay dalawang libong siko, at sa dakong hilagaan ay dalawang libong siko, na ang bayan ay sa gitna. Ito ang magiging sa kanila'y mga pastulan sa mga bayan.
6At ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay ang #tal. 13; Deut. 4:41; Jos. 20:2, 7, 8; 21:27, 32, 36, 38.anim na bayan na ampunan, na siya ninyong ibibigay na matatakasan ng nakamatay ng tao: at bukod sa rito ay magbibigay kayo ng apat na pu't dalawang bayan.
7Lahat ng mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay #Jos. 21:41.apat na pu't walong bayan: inyong ibibigay sangpu ng kanilang mga pastulan.
8At tungkol sa mga bayan na #Jos. 21:3. pagaari ng mga anak ni Israel na inyong ibibigay ay kukuha kayo ng #Blg. 26:54.marami sa marami; at sa kaunti ay kukuha kayo ng kaunti: bawa't isa ayon sa kaniyang mana na kaniyang minamana ay magbibigay sa kaniyang mga bayan sa mga Levita.
9At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
10Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, #Deut. 19:2; Jos. 20:2.Pagkaraan ninyo ng Jordan sa lupain ng Canaan,
11 #
Ex. 21:13. Ay pipili nga kayo ng mga bayan na maging mga bayang ampunan sa inyo, upang ang nakamatay ng tao na pumatay ng sinomang tao na hindi #Jos. 20:3, 9.sinasadya, ay makatakas doon.
12At ang mga bayang yaong ay magiging sa inyo'y pinaka ampunan laban sa manghihiganti; upang ang nakamatay ay huwag mamatay, hanggang sa maitayo sa kapisanan na hatulan.
13At ang mga bayan na inyong ibibigay ay #tal. 6.anim na bayang ampunan sa inyo.
14 #
Deut. 4:41; Jos. 20:8. Magbibigay kayo ng tatlong bayan sa dako roon ng Jordan, at tatlong bayan ang ibibigay ninyo sa lupain ng Canaan; siyang magiging mga bayang ampunan.
15Sa mga anak ni Israel, #Blg. 15:16.at sa taga ibang lupa, at sa makikipamayan sa kanila ay magiging ampunan ang anim na bayang ito: upang ang bawa't nakamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon.
16 #
Ex. 21:12, 14; Lev. 24:17; Deut. 19:11-12. Nguni't kung kaniyang saktan ang kaniyang kapuwa ng isang kasangkapang bakal, na ano pa't namatay, siya nga'y mamamatay tao; ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.
17At kung kaniyang saktan ng isang batong tangan niya sa kamay na ikamamatay ng isang tao, at namatay nga, mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.
18O kung kaniyang saktan ng isang almas na kahoy na tangan niya sa kamay na ikamamatay ng tao, at namatay nga, ay mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.
19Ang manghihiganti sa dugo ay #tal. 21, 24, 27; Deut. 19:6, 12; Jos. 20:3, 5.siyang papatay sa pumatay: pagka nasumpungan niya ay kaniyang papatayin.
20At kung kaniyang itinulak sa kapootan, o kaniyang hinagis na #Ex. 21:14; Deut. 19:11.binanta, ano pa't siya'y namatay;
21O sa pakikipagkaalit ay sinaktan niya ng kaniyang kamay, na ano pa't siya'y namatay: siya na sumakit ay walang pagsalang papatayin; siya'y mamamatay tao: ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay, pagka nasumpungan niya.
Bayang ampunan para sa nakamatay.
22Nguni't kung sa kabiglaanan ay kaniyang #Ex. 21:13.maitulak na walang pakikipagkaalit, o mahagisan niya ng anomang bagay na hindi binanta,
23O ng anomang bato na ikamamatay ng tao, na hindi niya nakikita at kaniyang maihagis sa kaniya, na ano pa't namatay at hindi niya kaaway, at hindi niya pinagaakalaan ng masama:
24Kung gayo'y ang #tal. 12; Jos. 20:6. kapisanan ang siyang hahatol sa sumakit at sa manghihiganti sa dugo, ayon sa mga kahatulang ito:
25At ililigtas ng kapisanan ang nakamatay sa kamay ng manghihiganti sa dugo, at siya'y pababalikin ng kapisanan sa kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan: at siya'y tatahan doon hanggang sa pagkamatay ng #tal. 28; Lev. 21:10; Jos. 20:6; 2 Hari 12:10.pangulong saserdote, #Ex. 29:7; Lev. 4:3.na pinahiran ng banal na langis.
26Nguni't kung ang nakamatay ay lumabas sa anomang dahilan, sa hangganan ng kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan;
27At masumpungan siya ng manghihiganti sa dugo sa labas ng hangganan ng kaniyang bayang ampunan, at patayin ng manghihiganti sa dugo ang nakamatay, ay hindi siya magiging salarin sa dugo,
28Sapagka't siya'y nararapat na tumira sa kaniyang bayang ampunan, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote: nguni't pagkamatay ng dakilang saserdote ang nakamatay ay makababalik sa lupain ng kaniyang pagaari.
Batas tungkol sa mamamatay tao.
29At ang mga bagay na ito ay magiging isang #Blg. 27:11.palatuntunan sa kahatulan sa inyo, sa buong panahon ng inyong mga lahi sa lahat ng inyong mga tahanan.
30Sinomang pumatay sa kaninoman, ay papatayin ang pumatay sa #Deut. 17:6; 19:5; Mat. 18:16; 2 Cor. 13:1; Heb. 10:28; 1 Tim. 5:19. patotoo ng mga saksi: nguni't ang isang saksi ay hindi makapagpapatotoo laban sa kaninomang tao upang patayin.
31Bukod sa rito, huwag kayong tatanggap ng suhol sa buhay ng pumatay na nagiging salarin sa pagpapatay: kundi siya'y walang pagsalang papatayin.
32At huwag kayong tatanggap ng suhol sa kaninomang tumakas sa kaniyang bayang ampunan, upang bumalik na manahan sa kaniyang lupain, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote.
33Kaya't huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong kinaroroonan; #Awit 106:38.sapagka't ang dugo ay nagpaparumi ng lupain: at walang paglilinis na magagawa sa lupa dahil sa dugo na nabubo doon, kundi sa #Gen. 9:6.pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo.
34 #
Lev. 18:25; Deut. 21:23. At huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong tinatahanan, na ako'y tumahan sa gitna niyan: sapagka't #Ex. 29:45-46.akong Panginoon ay tumatahan sa gitna ng mga anak ni Israel.
Currently Selected:
MGA BILANG 35: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: