MGA KAWIKAAN 14
14
Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.
1Bawa't #Ruth 4:11; Kaw. 24:3. pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay:
Nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay.
2 #
Job 12:4. Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon:
Nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya.
3Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan:
Nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.
4Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis:
Nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka.
5 #
Ex. 20:16; 23:1; Kaw. 6:19. Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan:
Nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan.
6 #
Kaw. 8:9; 15:14; 17:24. Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan:
Nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.
7Paroon ka sa harapan ng taong mangmang,
At hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:
8Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad:
Nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan.
9 #
Kaw. 10:23. Ang mangmang ay tumutuya sa sala:
Nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban.
10Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan;
At ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan.
11 #
Job 8:15. Ang bahay ng masama ay mababagsak:
Nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad.
12 #
Kaw. 16:25. May daan na tila matuwid sa isang tao,
#
Kaw. 5:4; Rom. 6:21. Nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
13Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw;
At #Ec. 2:2; 7:3. ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.
14Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog #Kaw. 1:31. ng kaniyang sariling mga lakad:
At masisiyahang loob ang taong mabuti.
15Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita:
Nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.
16 #
Kaw. 22:3. Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan:
Nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa.
17Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan:
At ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.
18Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan:
Nguni't ang mabait ay puputungan ng kaalaman.
19Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti;
At ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid.
20Ipinagtatanim #Kaw. 19:7. ang dukha maging ng kaniyang kapuwa:
Nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan.
21Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala:
#
Awit 41:1; 112:9. Nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.
22Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan?
Nguni't kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti.
23Sa lahat ng gawain ay may pakinabang:
Nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan.
24Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan:
Nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang.
25Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao:
Nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya.
26Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala:
At ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.
27 #
Kaw. 10:11; 13:14. Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan,
Upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.
28Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari:
Nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo.
29 #
Kaw. 15:18; 25:15; Sant. 1:19. Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa:
Nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.
30Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan:
Nguni't #Awit 112:10. ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.
31 #
Kaw. 17:5; Mat. 25:40, 45. Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa May-lalang sa kaniya.
Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya.
32Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa:
Nguni't #Job 19:25, 27; Awit 23:4; 37:37; 2 Cor. 1:9; 5:8; 2 Tim. 4:18. ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan.
33Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa:
Nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.
34Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa:
Nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan.
35Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan:
Nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya.
Currently Selected:
MGA KAWIKAAN 14: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: