YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 114

114
Ang pagliligtas ng Panginoon sa Israel mula sa Egipto.
1Nang #Ex. 13:3. lumabas ang Israel sa Egipto,
Ang sangbahayan ni Jacob #Awit 8:5. mula sa bayang may ibang wika;
2 # Ex. 25:8; Deut. 27:9. Ang Juda ay naging kaniyang santuario,
# Blg. 23:21. Ang Israel ay kaniyang sakop.
3Nakita #Ex. 14:21; Jos. 3:13, 16. ng dagat, at tumakas;
Ang Jordan ay napaurong.
4 # Awit 68:16; Hab. 3:6. Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa,
Ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
5 # Hab. 3:8. Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas?
Sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
6Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa;
Sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
7Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon,
Sa harapan ng Dios ni Jacob;
8 # Blg. 20:11; Awit 78:15. Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato.
Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.

Currently Selected:

MGA AWIT 114: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in