YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 128

128
Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
1Mapalad ang #Awit 112:1; 115:13. bawa't isa na natatakot sa Panginoon,
Na lumalakad sa kaniyang mga daan.
2 # Is. 3:10. Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:
Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
3Ang asawa mo'y magiging #Ezek. 19:10. parang mabungang puno ng ubas,
Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:
Ang mga anak mo'y #Awit 144:12. parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.
4Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,
Na natatakot sa Panginoon.
5 # Awit 134:3. Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
6Oo, iyong #Job 42:16; Kaw. 17:6. makikita ang mga #Awit 125:5. anak ng iyong mga anak.
Kapayapaan nawa'y suma Israel.

Currently Selected:

MGA AWIT 128: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in