YouVersion Logo
Search Icon

ANG AWIT NG MGA AWIT 2

2
Pangungusap ng magkasuyong babae at lalake.
1Ako'y #Is. 35:1. rosa ng Saron, Lila ng mga libis.
2Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik,
Gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
3Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat,
Gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake.
Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran.
# Apoc. 22:2. At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
4Dinala niya sa bahay na may pigingan,
At ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
5Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas:
Sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.
6Ang kaniyang kaliwang kamay #A. ng A. 8:3. ay nasa ilalim ng aking ulo,
At ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
7Pinagbibilinan ko kayo, #A. ng A. 1:5. Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang,
Na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta,
Hanggang sa ibigin niya.
8Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating,
Na lumulukso sa mga bundok,
Lumulundag sa mga burol.
9Ang aking sinta #tal. 17; A. ng A. 8:14. ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod,
Siya'y sumusungaw sa mga dungawan,
Siya'y napakikita sa mga silahia.
10Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
# tal. 13. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan;
Ang ulan ay lumagpas at wala na;
12Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
Ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating,
At ang tinig ng #Awit 74:19; Jer. 8:7. batobato ay naririnig sa ating lupain;
13Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos,
At ang mga puno ng ubas #tal. 15; A. ng A. 7:12. ay namumulaklak,
Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango.
# tal. 10. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
14Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato,
Sa puwang ng matarik na dako,
Ipakita mo sa akin ang iyong mukha,
# A. ng A. 8:14. Iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
15Hulihin ninyo para sa atin #Ezek. 13:4. ang mga sora, ang mga munting sora
Na naninira ng mga ubasan;
Sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
16Ang sinta ko ay akin, #A. ng A. 6:3; 7:10. at ako ay kaniya:
# A. ng A. 4:5. Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
17Hanggang sa ang araw ay lumamig, #A. ng A. 4:6. at ang mga lilim ay mawala,
Pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay #tal. 9; A. ng A. 8:14. maging gaya ng usa o ng batang usa
Sa mga bundok ng Bether.

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in