1 Mga Cronica 11
11
Naging Hari si David
(2 Sam. 5:1-10)
1Ang buong sambayanang Israel ay nagpunta kay David sa Hebron. “Kami ay dugo ng iyong dugo at laman ng iyong laman,” sabi nila. 2“Nang panahong hari si Saul, pinangunahan mo ang hukbo ng Israel sa pakikipaglaban, at ibinabalik mo silang muli. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos ang ganito: ‘Ikaw ang magiging pastol ng aking bayang Israel. Ikaw ang mamumuno sa kanila.’” 3Lahat ng pinuno ng Israel ay pumunta sa Hebron, at sa harapan ni Yahweh ay gumawa si David ng kasunduan sa kanila. Binuhusan nila ito ng langis, at itinanghal na hari ng Israel. Kaya't natupad ang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Samuel.
4Ang#Jos. 15:63; Huk. 1:21. Jerusalem na noo'y tinatawag na Jebus ay sinalakay ni Haring David at ng mga Israelita. 5Ngunit sinabi sa kanya ng mga Jebuseo na hindi siya makakapasok sa lunsod. Gayunman, pumasok din si David at nakuha nito ang kampo ng Zion, kaya't kilala ngayon ang lugar na iyon na Lunsod ni David. 6Bago nila pinasok ito, sinabi ni David, “Ang unang makapatay ng isang Jebuseo ay gagawin kong pinuno.” Ang unang nangahas umakyat sa kampo ay si Joab na anak ni Zeruias, kaya siya ang ginawang pinakamataas na pinuno ng hukbo. 7Doon tumira si David sa kampo, kaya tinawag ang lugar na iyon na Lunsod ni David. 8Pinalawak niya ang lunsod sa palibot nito mula sa Millo, samantalang itinayong muli ni Joab ang ibang bahagi ng lunsod. 9Lalong tumatag ang paghahari ni David, sapagkat pinapatnubayan siya ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat.
Ang mga Bantog na Kawal ni David
(2 Sam. 23:8-39)
10Ito naman ang mga pinuno ng mga magigiting na tauhan ni David na sa tulong ng buong Israel, ay nagpalakas at nagpatatag ng kanyang kaharian, sa pangako ni Yahweh. 11Una sa lahat, ay si Jasobeam, isang Hacmonita. Siya ang pinuno ng pangkat na Tatlo.#11 Tatlo: Sa ibang manuskrito'y Tatlumpu. (Ihambing sa 2 Samuel 23:8.) Kahit nag-iisa, nakapatay siya ng 300 kaaway sa pamamagitan lamang ng kanyang sibat.
12Ang pangalawa'y si Eleazar, isa sa tinaguriang Tatlo. Siya'y anak ni Dodo na isang Ahohita. 13Si Eleazar ang kasama ni David sa Pas-dammim nang mapalaban sila sa mga Filisteo sa isang bukid ng sebada. Natakot noon ang mga Israelita, at sila'y tumakas. 14Ngunit tumayo si Eleazar sa gitna ng bukid at nakipaglaban. Sa ginawang ito, napatay niya ang mga Filisteo at nagtagumpay sa tulong ni Yahweh.
15Minsan, nang ang mga Filisteo'y nagkakampo sa kapatagan ng Higante, tatlo sa tatlumpung mga pinuno ng Israel ang bumabâ sa kampo ni David, malapit sa yungib ng Adullam. 16Noo'y nasa isang kuta si David; nasakop naman ng isang pangkat ng mga Filisteo ang Bethlehem. 17Minsa'y buong pananabik na nasabi ni David, “May magbigay sana ng tubig sa akin mula sa balon sa tabi ng pintuang papasok sa Bethlehem!” 18Nang marinig ito, sumugod agad ang tatlong magigiting na kawal, lumusot sa hanay ng mga Filisteo at kumuha nga ng tubig. Ngunit hindi ito ininom ni David. Sa halip, ibinuhos niya ito bilang handog kay Yahweh. 19Sinabi niya, “Hindi ko maiinom ito sapagkat para nang dugo nila ang aking ininom. Buhay ang itinaya nila sa pagkuha nito!” Ito ang isa sa mga kagitingang ginawa ng Tatlo.
20Si Abisai na kapatid ni Joab ay nakapatay ng tatlong daang kaaway sa pamamagitan ng sibat, kaya lalo siyang kinilala ng Bantog na Tatlumpu#20 Tatlumpu: Sa ibang manuskrito'y Tatlo. na kanyang pinamumunuan. 21Siya ang pinakamatapang sa Tatlumpu#21 Tatlumpu: Sa ibang manuskrito'y Tatlo. kaya naging pinuno ng mga ito. Ngunit hindi niya napantayan ang Tatlong mandirigma.
22Kabilang din sa mga kinilalang kawal si Benaias na anak ni Joiadang taga-Kabzeel. Siya naman ang pumatay sa dalawang mandirigma sa Moab, at lumusong sa balon minsang taglamig at pumatay sa leong naroon. 23Siya rin ang pumatay sa higanteng Egipcio na dalawa't kalahating metro ang taas at may armas na isang sibat na ang hawakan ay napakalaki. Sinagupa niya ito na ang hawak lamang niya'y batuta, ngunit naagaw niya ang sibat. Ito na rin ang ginamit niya sa pagpatay sa higante. 24Dahil sa mga ginawang ito, siya'y nakilala rin, tulad ng Tatlo.#24 Tatlo: Sa ibang manuskrito'y Tatlumpu. 25Nangunguna siya sa Tatlumpu, ngunit hindi rin niya nahigitan ang kagitingan ng Tatlo. Siya ang ginawa ni David na pinuno ng kanyang mga bantay.
26-47Ito pa ang ilan sa mga magigiting na kawal ni David:
Asahel, kapatid ni Joab
Elhanan, anak ni Dodo na mula sa Bethlehem
Samot na taga-Harod
Helez na taga-Pelet
Ira, anak ni Iques na taga-Tekoa
Abiezer na taga-Anatot
Sibecai na taga-Husa
Ilai na taga-Aho
Maharai na taga-Netofa
Heled, anak ni Baana na taga-Netofa rin
Itai, anak ni Ribai na taga-Gibea sa Benjamin
Benaias na taga-Piraton
Hurai na mula sa kapatagan ng Gaas
Abiel na taga-Arba
Azmavet na taga-Bahurim
Eliaba na taga-Saalbon
Hasem na taga-Gizon
Jonatan, anak ni Sage na taga-Arar
Ahiam, anak ni Sacar na taga-Arar din
Elifal, anak ni Ur
Hefer na taga-Mequera
Ahias na taga-Pelon
Hezro na taga-Carmel
Naarai, anak ni Ezbai
Joel, kapatid ni Natan
Mibhar, anak ni Hagri
Zelec na taga-Ammon
Naarai na taga-Berot, tagadala ng sandata ni Joab
Ira at Gareb na taga-Jatir
Urias na Heteo
Zabad, anak ni Ahlai
Adina, anak ni Siza na isang pinuno sa angkan ni Ruben at may sariling pangkat ng tatlumpung tao
Hanan, anak ni Maaca
Joshafat na taga-Mitan
Uzias na taga-Asterot
Sammah at Jeiel, mga anak ni Hotam na taga-Aroer
Jediael at Joha, mga anak ni Simri na taga-Tiz
Eliel na taga-Mahava
Jeribai at Josavia, mga anak ni Elnaam
Itma na taga-Moab
Eliel, Obed, at Jasael na mga taga-Zoba.
Currently Selected:
1 Mga Cronica 11: RTPV05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: