Isaias 45
45
Hinirang ni Yahweh si Ciro
1Ito ang ipinahayag ni Yahweh kay Ciro,
ang pinunong kanyang pinili,
upang sakupin ang mga bansa
at alisan ng kapangyarihan ang mga hari.
Ibubukas ko ang mga pintuang-lunsod para sa kanya habang siya'y pumapasok.
2“Ako ang maghahanda ng iyong daraanan,
mga bundok doo'y aking papatagin.
At sa mga lunsod, mga pintong tanso'y aking wawasakin;
pati kandadong bakal ay aking tatanggalin.
3Ibibigay ko sa iyo ang nakatagong mga kayamanan at alahas;
sa gayon, malalaman mong ako si Yahweh,
ang Diyos ng Israel, ang siyang tumawag sa iyo.
4Tinawag kita sa iyong pangalan,
alang-alang sa aking lingkod na si Israel na aking hinirang.
Binigyan kita ng malaking karangalan,
kahit hindi mo ako nakikilala.
5Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba;
palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala.
6Ginawa ko ito upang ako ay makilala
mula sa silangan hanggang kanluran,
at makilala nila na ako si Yahweh,
ako lamang ang Diyos at wala nang iba.
7Ako ang lumikha ng dilim at liwanag;
ako ang nagpapahintulot ng kaginhawahan at kapahamakan.
Akong si Yahweh ang nagpapasya ng lahat ng ito.
8Padadalhan kita ng sunod-sunod na tagumpay,
parang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa;
dahil dito'y maghahari sa daigdig ang kalayaan at katarungan.
Akong si Yahweh ang magsasagawa nito.”
Si Yahweh ng Buong Nilikha at Kasaysayan
9Ang#Isa. 29:16; Ro. 9:20. palayok ba ay makakatutol sa gumawa sa kanya?
Maitatanong ba ng putik sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito?
Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?
10May anak bang magtatanong sa kanyang ama, “Bakit ikaw ang aking naging ama?”
At sa kanyang ina, “Bakit mo ako ipinanganak?”
11Ngunit ipinahayag ni Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, ang Lumalang sa kanila:
“Wala kayong karapatang magsabi sa akin tungkol sa aking mga anak
at kung ano ang dapat kong gawin.
12Ako ang lumikha ng buong daigdig,
pati mga taong doo'y tumatahan.
Maging ang kalangitan, ako ang nagladlad,
ako ang may kapangyarihan sa araw, buwan at mga bituin.
13Ako ang tumawag kay Ciro upang isagawa ang aking layunin at isaayos ang lahat ng bagay.
Aking tutuwirin ang kanyang daraanan;
muli niyang itatayo ang Jerusalem na aking lunsod,
at kanyang palalayain ang aking bayan.
Walang sinumang nagbayad o nanuhol sa kanya upang ito'y isagawa.”
Ang Makapangyarihang si Yahweh ang nagsabi nito.
14Ang sabi ni Yahweh sa Israel,
“Mapapasaiyo ang kayamanan ng Egipto at Etiopia.
Magiging alipin mo ang matatangkad na lalaki ng Seba;
sila'y magiging sunud-sunuran sa iyo.
Yuyukuran ka nila at sasabihin:
‘Sumasaiyo ang Diyos, siya lamang ang Diyos at wala nang iba pa.’”
15Ang Diyos ng Israel ang Tagapagligtas ng kanyang bayan;
mahiwaga siya kaya hindi kayang unawain.
16Hahamakin at mapapahiya
ang lahat ng gumagawa ng mga diyus-diyosan.
17Ngunit ang Israel ay iyong ililigtas,
ang tagumpay nila ay sa habang panahon
at kailanma'y hindi mapapahiya.
18Si Yahweh ang lumikha ng kalangitan,
siya rin ang lumikha ng daigdig,
ginawa niya itong matatag at nananatili,
at mainam na tirahan.
Siya ang maysabing, “Ako si Yahweh at wala nang iba pang diyos.
19Lahat ng salita ko'y sinasabi nang hayagan,
isa man sa layunin ko'y hindi inililihim.
Hindi ko pinahirapan ang Israel
sa paghanap sa akin.
Ako si Yahweh, sinasabi kong lahat ang katotohanan,
at inihahayag ko kung ano ang tama.”
Si Yahweh ng Sanlibutan at ang mga Diyus-diyosan ng Babilonia
20Sinabi ni Yahweh,
“Halikayong lahat na mga natitirang buháy mula sa lahat ng bansa;
kayong mga mangmang na nagpapasan ng mga imaheng kahoy
at dumadalangin sa mga diyus-diyosan na hindi makakapagligtas.
Ang mga taong ito'y walang nalalaman.
21Ipagtanggol ninyo ang inyong panig.
Magsanggunian kayo.
Sino ang makakapagsabi ng mga bagay na magaganap?
Hindi ba akong si Yahweh, ang Diyos na nagliligtas sa kanyang bayan?
Walang ibang diyos maliban sa akin.
22Lumapit kayo sa akin at kayo ay maliligtas,
kayong mga tao sa buong daigdig.
Walang ibang diyos maliban sa akin.
23Ako#Ro. 14:11; Fil. 2:10-11. ay tapat sa aking pangako
at hindi magbabago,
at tutuparin ko ang aking mga pangako:
‘Lahat ng tao ay luluhod sa aking harapan,
at mangangakong sila'y magiging tapat sa akin!’
24“Sasabihin nila, si Yahweh lamang ang matuwid at malakas;
at mapapahiya ang sinumang sa kanya'y maghimagsik.
25Akong si Yahweh ang magliligtas sa lahi ni Israel;
sila'y magtatagumpay at magpupuri sa akin.”
Currently Selected:
Isaias 45: RTPV05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: