Mga Kawikaan 13
13
1Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama,
ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.
2Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan,
ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan.
3Ang#Ecc. 28:25-26. maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay,
ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.
4Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad,
ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap.
5Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan,
ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan.
6Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran,
ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay.
7May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman,
ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman.
8Ang yaman ng isang tao ay pantubos sa kanyang buhay,
ngunit sa isang mahirap ito ay hindi nakababahala.
9Ang matuwid ay tulad ng maningning na ilaw,
ngunit ang masama ay lamparang namamatay.
10Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan,
ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.
11Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala,
ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.
12Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban,
ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.
13Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa sariling kapahamakan,
ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan.
14Ang mga turo ng matalino ay bukal ng buhay,
ito ay maglalayo sa bitag ng kamatayan.
15Ang katalinuhan ay umaani ng paggalang,
ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan.
16Ang katalinuhan ng isang tao'y nakikita sa kanyang gawa,
sa kilos ay nakikilala ang taong walang unawa.
17Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan,
ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan.
18Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway,
ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan.
19Ang pangarap na natupad ay may dulot na ligaya,
ngunit ayaw iwan ng masama ang kasamaan niya.
20Ang#Ecc. 6:33-34. nakikisama sa may unawa ay magiging matalino,
ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.
21Ang hinaharap ng masama ay kahirapan sa buhay,
ngunit sagana ang pagpapalang sa matuwid ay naghihintay.
22Ang matuwid ay nag-iiwan ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan,
at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan.
23Ang bukid ng mahihirap, may pangakong kasaganaan,
ngunit ito'y nasasayang dahil sa kawalan ng katarungan.
24Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina,
anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang.
25Ang matuwid ay sagana sa lahat ng kailangan,
ngunit ang masama ay palagi namang nagkukulang.
Currently Selected:
Mga Kawikaan 13: RTPV05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: