Mga Kawikaan 20
20
1Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao,
kaya isang kamangmangan ang magpakalulong dito.
2Ang poot ng hari ay parang leong umuungal,
ang gumalit sa kanya'y nanganganib ang buhay.
3Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan,
ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway.
4Ang taong tamad sa panahon ng taniman
ay walang magagapas pagdating ng anihan.
5Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao,
ngunit ito'y matatarok ng isang matalino.
6Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat,
ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak.
7Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran,
mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.
8Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan,
walang matatagong anumang kasamaan.
9Sino ang makakapagsabi na ang puso niya'y malinis
at di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit?
10Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan,
kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam.
11Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa;
makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga.
12Ang taingang nakakarinig at matang nakakakita,
parehong si Yahweh ang siyang maylikha.
13Matulog ka nang matulog at ika'y maghihirap,
ngunit maganda ang iyong bukas kung ika'y magsisikap.
14Ang sabi ng mamimili, “Ang presyo mo'y ubod taas.”
Ngunit pagtalikod ay ipinamamalitang nakabarat.
15Ang taong nakakaalam ng kanyang sinasabi,
daig pa ang may ginto at alahas na marami.
16Ang sinumang nananagot sa utang ng iba,
dapat kunan ng ari-arian bilang garantiya.
17Anumang nakuha sa pandaraya ay parang masarap na pagkain,
ngunit kapag tumagal ay para kang kumain ng buhangin.
18Ang mabuting payo ay kailangan para magtagumpay;
kung hindi ka handa huwag nang pumalaot sa labanan.
19Ang lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis,
kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila.
20Sinumang magmura sa kanyang magulang,
parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay.
21Ang perang hindi pinaghirapan,
kung gastusin ay walang hinayang.
22Huwag mong gantihan ng masama ang masama;
tutulungan ka ni Yahweh, sa kanya ka magtiwala.
23Si Yahweh ay napopoot sa panukat na di tama,
siya ay namumuhi sa timbangang may daya.
24Si Yahweh lamang ang nagtatakda ng ating landasin;
kaya huwag ipagyabang ang iyong lakbayin.
25Bago mangako sa Diyos ay isiping mabuti,
upang hindi ka magsisi sa bandang huli.
26Malalaman ng haring matalino ang lahat ng gumagawa ng masama,
at pagdating ng araw sila'y pinaparusahan nang walang awa.
27Binigyan tayo ni Yahweh ng isipan at ng budhi,
kaya't wala tayong maitatago kahit na sandali.
28Ang haring tapat at makatarungan
ay magtatagal sa kanyang luklukan.
29Karangalan ng kabataan ang kanyang kalakasan,
ang putong ng katandaan, buhok na panay uban.
30Ang hampas na lumalatay ay lumilinis ng kasamaan,
at ang palong nadarama'y humuhugas sa kalooban.
Currently Selected:
Mga Kawikaan 20: RTPV05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: