Mga Kawikaan 30
30
Ang mga Kawikaan ni Agur
1Mga kawikaan ni Agur na anak ni Jakeh ng Massa. Ito ang sinabi niya kina Itiel at Ucal:
“Ang Diyos ay malayo sa akin, wala akong magagawa.
2Ako ay mangmang, alangang maging tao.
Wala akong karunungan, hindi ako matalino.
3Di ako nakapag-aral, kaya ako ay mangmang,
walang karunungan, walang alam sa Maykapal.
4Sino ang dalubhasa tungkol sa kalangitan?
Sino ang nakapigil ng hangin sa kanyang palad?
Sino ang nakapagbalot ng tubig sa isang damit?
Sino ang naglagay ng mga hangganan sa daigdig?
Sino siya? Sino ang kanyang anak?
5“Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya. 6Huwag mong daragdagan ang kanyang salita sapagkat pagsasabihan ka niya bilang isang sinungaling.”
Karagdagang Kawikaan
7Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: 8Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. 9Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.
10Ang alipin ay huwag mong sisiraan sa kanyang amo,
baka isumpa ka niya't pagbayarin sa ginawa mo.
11May mga taong naninira sa kanilang ama,
masama ang sinasabi tungkol sa kanilang ina.
12May mga taong nagmamalinis sa sarili,
ngunit ang totoo'y walang kasindumi.
13May mga taong masyadong palalo, ang akala nila'y kung sino na sila.
14May mga tao namang masyadong masakim,
pati mahihirap, kanilang sinisiil.
15Ang linta ay may dalawang anak, “Bigyan mo ako, bigyan mo ako,” ang lagi nilang hiling.
May apat na bagay na kailanma'y di masiyahan:
16Ang libingan,
ang babaing walang anak,
ang lupang tuyo na laging nais matigmak,
at ang apoy na naglalagablab.
17Ang anak na kumukutya sa kanyang ama at laging sumusuway sa salita ng ina, tutukain ng uwak ang kanilang mata at kakainin ng buwitre ang kanilang bangkay.
18May apat na bagay na di ko maunawaan:
19Ang#Kar. 5:10-12. paglipad ng agila sa kalangitan,
ang paggapang ng ahas sa ibabaw ng batuhan,
ang paglalayag ng barko sa karagatan,
at ang babae't lalaking nagmamahalan.
20Ganito naman ang ginagawa ng asawang nagtataksil: makikipagtalik, pagkatapos ay magbibihis saka sasabihing wala siyang ginagawang masama.
21May apat na bagay na yayanig sa daigdig:
22Ang aliping naging hari,
ang isang mangmang na sagana sa pagkain,
23ang babaing masungit na nagkaasawa,
at ang isang aliping babaing pumalit sa kanyang amo.
24Sa daigdig ay may apat na maliliit na hayop ngunit may pambihirang kaisipan.
25Ang mga langgam: sila ay mahina subalit nag-iipon
ng pagkain kung tag-araw.
26Ang mga kuneho: mahihina rin sila subalit nakagagawa
ng kanilang tirahan sa batuhan.
27Ang mga balang: bagama't walang haring sumusubaybay
ay lumalakad nang maayos at buong inam.
28Ang mga butiki:#28 butiki: Sa ibang manuskrito'y gagamba. maaaring hawakan sa iyong palad dahil sa kaliitan,
subalit nasa palasyo ng hari at doon naninirahan.
29May apat na bagay na kasiya-siyang pagmasdan sa kanilang paglakad:
30Ang leon, pinakamatapang na hayop at kahit kanino ay di natatakot.
31Ang tandang na magilas, ang kambing na mabulas,
at ang hari sa harap ng bayan.
32Kung sa kahangalan mo'y naging palalo ka at nagbalak ng masama, mag-isip-isip ka. 33Batihin mo ang gatas at may mantekilya ka; suntukin mo ang ilong ng iyong kapwa at dudugo nang sagana; guluhin mo ang iba at mapapaaway ka.
Currently Selected:
Mga Kawikaan 30: RTPV05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: