Mga Awit 54
54
Panalangin Upang Saklolohan
Isang Maskil#MASKIL: Tingnan ang Awit 32. #1 Sam. 23:19; 26:1. ni David, upang awitin ng Punong Mang-aawit; sa saliw ng mga instrumentong may kuwerdas.
1Makapangyarihang Diyos, ako'y iligtas,
ipagsanggalang mo ng iyong lakas.
2Dinggin mo, O Diyos, aking panalangin,
iyo ngang pakinggan, aking mga daing.
3Ang nagmamataas ay laban sa akin,
hangad ng malupit ang ako'y patayin,
kanilang nilimot na ang Diyos ay sundin. (Selah)#3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
4Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong,
tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.
5Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway;
ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan.
6Buong galak naman akong maghahandog
ng pasasalamat kay Yahweh,
dahilan sa kanyang kagandahang-loob.
7Iniligtas ako sa kabagabagan, iniligtas niya sa mga kaaway,
at aking nakitang sila ay talunan!
Currently Selected:
Mga Awit 54: RTPV05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

:
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society