YouVersion Logo
Search Icon

Mga Awit 81

81
Awit sa Araw ng Kapistahan
Katha ni Asaf upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa Gittith.#GITTITH: Ang kahulugan ng salitang ito'y hindi tiyak. Maaaring ito'y tumutukoy sa isang uri ng instrumento o isang tono ng awit.
1Masiglang awitan ang Tagapagligtas, itong Diyos ni Jacob, awitang may galak.
2Umawit sa saliw ng mga tamburin,
kasabay ng tugtog ng lira at alpa.
3Hipan#Bil. 10:10. ang trumpeta tuwing nagdiriwang,
kung buwan ay bago't nasa kabilugan.
4Pagkat sa Israel, ito'y isang utos,
batas na ginawa ng Diyos ni Jacob.
5Sa mga hinirang, ang utos di'y ito
nang sila'y ilabas sa bansang Egipto.
Ganito ang wika na aking narinig:
6“Mabigat mong dala'y aking inaalis,
ikaw ay iibsan sa pasan mong labis.
7Iniligtas#Exo. 17:7; Bil. 20:13. kita sa gitna ng hirap, sinaklolohan ka nang ika'y tumawag;
tinugon din kita sa gitna ng kidlat,
at sinubok kita sa Batis Meriba. (Selah)#7 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
8Kapag nangungusap, ako'y inyong dinggin,
sana'y makinig ka, O bansang Israel.
9Ang#Exo. 20:2-3; Deut. 5:6-7. diyus-diyosa'y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa'y di dapat yukuran.
10Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo,
ako ang tumubos sa iyo sa Egipto;
pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo.
11“Ngunit ang bayan ko'y hindi ako pansin,
di ako sinunod ng bayang Israel,
12sa tigas ng puso, aking hinayaang
ang sarili nilang gusto'y siyang sundan.
13Ang tangi kong hangad, sana ako'y sundin,
sundin ang utos ko ng bayang Israel;
14ang kaaway nila'y aking lulupigin,
lahat ng kaaway agad lilipulin.
15Silang namumuhi't sa aki'y napopoot, ay magsisiyuko sa laki ng takot,
ang parusa nila'y walang pagkatapos.
16Ngunit ang mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo'y ipapakain ko;
at ang gusto ninyong masarap na pulot, ang siyang sa inyo'y aking idudulot.”

Currently Selected:

Mga Awit 81: RTPV05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in