Pahayag 19
19
1Pagkatapos nito, narinig ko ang tila sama-samang tinig ng napakaraming tao sa langit na umaawit ng ganito, “Purihin ang Panginoon! Ang kaligtasan, ang karangalan at ang kapangyarihan ay tanging sa Diyos lamang! 2Matuwid#Deut. 32:43; 2 Ha. 9:7. at tama ang kanyang hatol! Hinatulan niya ang reyna ng kahalayan na nagpapasamâ sa mga tao sa lupa sa pamamagitan ng kanyang kahalayan. Pinarusahan siya ng Diyos dahil sa pagpatay niya sa mga lingkod ng Panginoon!” 3Muli#Isa. 34:10. silang umawit, “Purihin ang Panginoon! Walang tigil na tataas ang usok na mula sa nasusunog na lunsod!” 4Ang dalawampu't apat na pinuno at ang apat na nilalang na buháy ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos na nakaupo sa trono. Sabi nila, “Amen! Purihin ang Panginoon!”
Ang Handaan sa Kasalan ng Kordero
5May#Awit 115:13. nagsalita mula sa trono, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na mga lingkod niya, dakila o hamak man, kayong may banal na takot sa kanya!” 6Pagkatapos#Eze. 1:24; Awit 93:1; 97:1; 99:1. ay narinig ko ang parang sama-samang tinig ng napakaraming tao, parang ugong ng malaking talon at dagundong ng mga kulog. Ganito ang sabi ng tinig, “Purihin ang Panginoon! Sapagkat naghahari ang Panginoon nating Diyos na Makapangyarihan sa lahat! 7Magalak tayo at magsaya! Luwalhatiin natin siya sapagkat nalalapit na ang kasal ng Kordero. Nakahanda na ang kasintahang babae; 8nabihisan na siya ng malinis at puting-puting lino.” Ang lino ay sagisag ng mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.
9At#Mt. 22:2-3. sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero.” Idinugtong pa niya, “Ito ay tunay na mga salita ng Diyos.”
10Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag! Ako ma'y alipin ding tulad mo at tulad ng ibang mga mananampalatayang nagpatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang katotohanang ipinahayag ni Jesus ay siyang diwa ng lahat ng ipinahayag ng mga propeta!”
Ang Nakasakay sa Kabayong Puti
11Pagkaraan#Eze. 1:1; Awit 96:13; Isa. 11:4. nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12Parang#Dan. 10:6. nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at napuputungan siya ng maraming korona. Nakasulat sa kanyang katawan ang pangalan niya, ngunit siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan niyon. 13Puno#Kar. 18:14-18. ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay “Salita ng Diyos.” 14Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. 15May#Awit 2:9; Isa. 63:3; Joel 4:13; Pah. 14:20. matalim na tabak na lumabas sa kanyang bibig upang gamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 16Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”
17Nakita#Eze. 39:17-20. ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya ang mga ibon sa himpapawid, “Halikayo, at magkatipon sa malaking handaan ng Diyos! 18Kainin ninyo ang laman ng mga hari, ng mga kapitan, ng mga kawal, ng mga kabayo at ng kanilang mga sakay. Kainin din ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin at malaya, hamak at dakila!”
19At nakita kong nagkatipon ang halimaw at ang mga hari sa lupa, kasama ang kanilang mga hukbo upang kalabanin ang nakasakay sa kabayo at ang hukbo nito. 20Nabihag#Pah. 13:1-18. ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at ang huwad na propeta ay inihagis nang buháy sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre. 21Ang kanilang mga hukbo ay pinatay sa pamamagitan ng tabak na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo. Nabusog nang husto ang mga ibon sa pagkain ng kanilang mga bangkay.
Currently Selected:
Pahayag 19: RTPV05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: