1
JUAN 6:35
Ang Biblia, 2001
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi kailanman mauuhaw.
Vergelijk
Ontdek JUAN 6:35
2
JUAN 6:63
Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay, ang laman ay walang anumang pakinabang. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at buhay.
Ontdek JUAN 6:63
3
JUAN 6:27
Huwag kayong magsumikap nang dahil sa pagkaing nasisira, kundi dahil sa pagkaing tumatagal para sa buhay na walang hanggan na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat sa kanya inilagay ng Diyos Ama ang kanyang tatak.”
Ontdek JUAN 6:27
4
JUAN 6:40
Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat nakakakita sa Anak at sa kanya'y sumampalataya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.”
Ontdek JUAN 6:40
5
JUAN 6:29
Sumagot si Jesus sa kanila, “Ito ang gawa ng Diyos na inyong sampalatayanan ang kanyang sinugo.”
Ontdek JUAN 6:29
6
JUAN 6:37
Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin; at ang lumalapit sa akin kailanman ay hindi ko itataboy.
Ontdek JUAN 6:37
7
JUAN 6:68
Sumagot sa kanya si Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan.
Ontdek JUAN 6:68
8
JUAN 6:51
Ako ang tinapay na buháy na bumabang galing sa langit. Kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailanman, at ang tinapay na aking ibibigay sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”
Ontdek JUAN 6:51
9
JUAN 6:44
Walang taong makakalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin; at siya'y muli kong bubuhayin sa huling araw.
Ontdek JUAN 6:44
10
JUAN 6:33
Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay ang bumababang mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.
Ontdek JUAN 6:33
11
JUAN 6:48
Ako ang tinapay ng buhay.
Ontdek JUAN 6:48
12
JUAN 6:11-12
Kinuha ni Jesus ang mga tinapay at nang makapagpasalamat ay ipinamahagi niya sa mga nakaupo. Binigyan din sila ng mga isda hanggang gusto nila. Nang sila'y mabusog ay sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Tipunin ninyo ang mga pinagputul-putol na lumabis upang walang anumang masayang.”
Ontdek JUAN 6:11-12
13
JUAN 6:19-20
Nang sila'y makasagwan na ng may lima hanggang anim na kilometro ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat at papalapit sa bangka. Sila'y natakot, subalit sinabi niya sa kanila, “Ako ito; huwag kayong matakot.”
Ontdek JUAN 6:19-20
Thuisscherm
Bijbel
Leesplannen
Video's