Isang araw, pumasok si Jose sa bahay upang magtrabaho. Nagkataon na wala kahit isang alipin sa loob ng bahay. Hinawakan siya sa damit ng asawa ng amo niya at sinabi, “Sipingan mo ako!” Ngunit tumakbong palabas ng bahay si Jose, at naiwan ang balabal niya na hawak ng babae.