Exodus 10:21-23

Exodus 10:21-23 ASD

Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Itaas mo ang iyong kamay sa langit upang mabalot ng kadiliman ang buong Ehipto.” Kaya itinaas ni Moises ang kamay niya sa langit, at nagdilim sa buong Ehipto sa loob ng tatlong araw. Walang lumabas na mga Ehipsiyo sa kani-kanilang bahay dahil hindi nila makita ang isaʼt isa. Ngunit may liwanag sa lugar na tinitirhan ng lahat ng mga Israelita.