Exodus 15:23-25
Exodus 15:23-25 ASD
Nang makarating sila sa Mara, hindi nila mainom ang tubig doon dahil itoʼy mapait. (Ito ang dahilan kung bakit Mara ang pangalan ng lugar.) Kaya, nagreklamo ang mga Israelita kay Moises, “Ano ang iinumin natin?” Kaya humingi ng tulong si Moises sa PANGINOON, at ipinakita ng PANGINOON sa kanya ang isang putol ng kahoy. Inihagis ito ni Moises sa tubig at nawala ang pait ng tubig. Doon sa Mara ibinigay ng PANGINOON ang tuntunin at kautusang ito upang subukin ang katapatan nila sa kanya

