Genesis 27:28-29

Genesis 27:28-29 ASD

Nawaʼy bigyan ka ng Diyos ng lupaing masagana ang ani na palaging may hamog na biyaya niya, upang maging sagana ang pagkain at katas ng inumin mo. Nawaʼy magpasakop at maglingkod sa iyo ang maraming tao. Nawaʼy maghari ka sa mga kamag-anak mo at magpasakop sila sa iyo. Nawaʼy ang sumusumpa sa iyo ay susumpain din, at ang magpapala sa iyo ay pagpapalain din.”