EZEKIEL 6
6
Ang Pahayag Laban sa mga Bundok ng Israel
1Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi:
2“O anak ng tao, humarap ka sa mga bundok ng Israel, at ikaw ay magpahayag ng propesiya laban sa mga iyon,
3at magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoong Diyos. Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos sa mga bundok, sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako, ako mismo ay magdadala ng tabak sa inyo, at aking wawasakin ang inyong matataas na dako.
4Ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga dambana ng insenso ay mawawasak. Aking ibabagsak ang inyong mga patay sa harapan ng inyong mga diyus-diyosan.
5Aking ilalapag ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harapan ng kanilang mga diyus-diyosan, at aking ikakalat ang inyong mga buto sa palibot ng inyong mga dambana.
6Saanman kayo manirahan ay magiging sira ang inyong mga lunsod at ang inyong matataas na dako ay masisira, anupa't ang inyong mga dambana ay mawawasak at magigiba. Ang inyong mga diyus-diyosan ay mababasag at madudurog, ang inyong mga dambana ng insenso ay babagsak, at ang inyong mga gawa ay mawawala.
7Ang mga napatay ay mabubuwal sa gitna ninyo, at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
8“Gayunman, iiwan kong buháy ang ilan sa inyo. Ang ilan sa inyo ay makakatakas sa tabak sa gitna ng mga bansa at mangangalat sa mga lupain.
9Silang nakatakas sa inyo ay maaalala ako sa gitna ng mga bansa na pinagdalhan sa kanila bilang bihag, gayon ako nasaktan ng kanilang mapangalunyang puso na lumayo sa akin, at ng kanilang mga mata, na may kasamaang bumaling sa kanilang mga diyus-diyosan. Sila'y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam.
10At kanilang malalaman na ako ang Panginoon; hindi ako nagsalita ng walang kabuluhan upang aking dalhin ang kapahamakang ito sa kanila.”
Ang mga Kasalanan ng Israel
11Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: “Ipalakpak mo ang iyong mga kamay, ipadyak mo ang iyong mga paa, at iyong sabihin, Kahabag-habag sila! Dahil sa lahat ng masamang kasuklamsuklam ng sambahayan ni Israel! Sapagkat sila'y mabubuwal sa pamamagitan ng tabak, ng taggutom, at ng salot.
12Ang malayo ay mamamatay sa salot, at ang malapit ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak. Ang nalabi at nakubkob ay mamamatay sa pamamagitan ng taggutom. Ganito ko ibubuhos ang aking poot sa kanila.
13Inyong malalaman na ako ang Panginoon, kapag ang kanilang mga patay na tao ay nakahandusay na kasama ng kanilang mga diyus-diyosan sa palibot ng kanilang mga dambana, sa ibabaw ng bawat mataas na burol, sa lahat ng tuktok ng mga bundok, sa ilalim ng bawat sariwang punungkahoy, at sa ilalim ng bawat mayabong na ensina na kanilang pinaghandugan ng mabangong samyo sa lahat nilang mga diyus-diyosan.
14Sa lahat ng kanilang tirahan, aking iuunat ang kamay ko laban sa kanila, at gagawin kong sira at giba ang kanilang lupain, mula sa ilang hanggang sa Ribla. At kanilang malalaman na ako ang Panginoon.”
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 6: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: