ISAIAS 5
5
Ang Awit tungkol sa Ubasan
1Paawitin#Mt. 21:33; Mc. 12:1; Lu. 20:9 ninyo ako sa aking pinakamamahal,
ng awit ng aking minamahal tungkol sa kanyang ubasan:
Ang aking pinakamamahal ay may ubasan
sa matabang burol.
2Kanyang binungkal iyon at inalisan ng mga bato,
at tinamnan ng piling puno ng ubas,
nagtayo siya ng isang toreng bantayan sa gitna niyon,
at humukay doon ng isang pisaan ng ubas;
at kanyang hinintay na magbunga ng ubas,
ngunit nagbunga ito ng ligaw na ubas.
3At ngayon, O mga mamamayan ng Jerusalem
at mga kalalakihan ng Juda,
hatulan ninyo, hinihiling ko sa inyo,
ako at ang aking ubasan.
4Ano pa ang magagawa ko sa aking ubasan
na hindi ko nagawa? Sino ang nakakaalam?
Bakit, nang aking hinihintay na magbubunga ng mga ubas,
ito'y nagbunga ng ubas na ligaw?
5Ngayo'y aking sasabihin sa inyo
ang gagawin ko sa aking ubasan.
Aking aalisin ang halamang-bakod niyon,
at ito ay susunugin,
aking ibabagsak ang pader niyon
at ito'y magiging lupang yapakan.
6Aking pababayaang sira;
hindi aalisan ng sanga o bubungkalin man;
magsisitubo ang mga dawag at mga tinik;
akin ding iuutos sa mga ulap,
na huwag nila itong paulanan ng ulan.
7Sapagkat ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo
ay ang sambahayan ng Israel,
at ang mga tao ng Juda
ay ang kanyang maligayang pananim;
at siya'y naghintay ng katarungan,
ngunit narito, pagdanak ng dugo;
ng katuwiran,
ngunit narito, pagdaing!
Ang Kasamaan ng Tao
8Kahabag-habag sila na nagdudugtong ng bahay sa bahay,
na nagdaragdag ng bukid sa bukid
hanggang sa mawalan na ng pagitan,
at kayo'y patirahing nag-iisa
sa gitna ng lupain!
9Sa aking pandinig ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa:
“Tiyak na maraming bahay ang magigiba,
malalaki at magagandang bahay, na walang naninirahan.
10Sapagkat ang walong ektarya#5:10 Sa Hebreo ay sampung acre. ng ubasan ay magbubunga lamang ng limang galon,#5:10 Sa Hebreo ay 5 bat.
at sampung omer#5:10 o kaban. ng binhi ay magbubunga lamang ng isang efa.”#5:10 o kaban.
11Kahabag-habag sila na bumabangong maaga sa umaga,
upang sila'y makasunod sa nakalalasing na inumin;
na nagpupuyat hanggang sa kalaliman ng gabi,
hanggang sa mag-alab ang alak sa kanila!
12Sila'y may lira at alpa,
pandereta at plauta, at alak sa kanilang mga kapistahan;
ngunit hindi nila pinahalagahan ang mga gawa ng Panginoon,
o minasdan man nila ang gawa ng kanyang mga kamay.
13Kaya't ang aking bayan ay pupunta sa pagkabihag dahil sa kawalan ng kaalaman;
ang kanilang mararangal na tao ay namamatay sa gutom,
at ang napakarami nilang tao ay nalulugmok sa uhaw.
14Kaya't pinalaki ng Sheol ang kanyang panlasa,
at ibinuka nito ang kanyang bibig na hindi masukat,
at ang kaluwalhatian ng Jerusalem,#5:14 Sa Hebreo ay kanyang kaluwalhatian. at ang kanilang karamihan, at ang kanilang kahambugan,
at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon.
15Ang tao ay pinayuyukod, at ang tao ay pinapagpapakumbaba,
at ang mga mata ng nagmamataas ay pinapagpapakumbaba.
16Ngunit ang Panginoon ng mga hukbo ay itinaas sa katarungan,
at ang Diyos na Banal ay napatunayang banal sa katuwiran.
17Kung magkagayo'y manginginain ang mga kordero na gaya sa kanilang pastulan,
at ang mga patabain sa mga wasak na lugar ay kakainin ng mga dayuhan.
18Kahabag-habag sila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng pagkukunwari,
at ng kasalanan na tila lubid ng kariton,
19na nagsasabi, “Pagmadaliin siya,
madaliin niya ang kanyang gawain
upang iyon ay aming makita;
at dumating nawa ang layunin ng Banal ng Israel
upang iyon ay aming malaman!”
20Kahabag-habag sila na tinatawag na mabuti ang masama,
at ang masama ay mabuti;
na inaaring dilim ang liwanag,
at liwanag ang dilim;
na inaaring mapait ang matamis,
at matamis ang mapait!
21Kahabag-habag sila na pantas sa kanilang sariling mga mata,
at marunong sa kanilang sariling paningin!
22Kahabag-habag sila na mga malakas sa pag-inom ng alak,
at mga taong matatapang sa paghahalo ng matapang na inumin,
23na pinawawalang-sala ang masama dahil sa suhol,
at ang katuwiran ng matuwid ay inaalis sa kanya!
24Kaya't kung paanong ang dila ng apoy ay tumutupok sa dayami,
at ang tuyong damo ay natutupok sa liyab,
magiging gaya ng kabulukan ang kanilang ugat,
at ang kanilang bulaklak ay papailanglang na gaya ng alabok;
sapagkat kanilang itinakuwil ang tagubilin ng Panginoon ng mga hukbo,
at hinamak ang salita ng Banal ng Israel.
25Kaya't nag-alab ang galit ng Panginoon laban sa kanyang bayan,
at iniunat niya ang kanyang kamay laban sa kanila, at sinaktan sila,
at ang mga bundok ay nayanig;
at ang kanilang mga bangkay ay naging gaya ng dumi
sa gitna ng mga lansangan.
Sa lahat ng ito ay hindi napawi ang kanyang galit,
kundi laging nakaunat ang kanyang kamay.
26Siya'y magtataas ng hudyat sa mga bansa mula sa malayo,
at sisipulan sila mula sa mga dulo ng lupa;
at, narito, ito'y dumarating na napakatulin!
27Walang napapagod o natitisod man,
walang umiidlip o natutulog man;
walang pamigkis na maluwag,
o napatid man ang mga panali ng mga sandalyas;
28ang kanilang mga palaso ay matalas,
at lahat nilang pana ay nakahanda
ang mga kuko ng kanilang mga kabayo ay parang batong hasaan,
at ang kanilang mga gulong ay parang ipu-ipo.
29Ang kanilang ungal ay gaya ng sa leon,
sila'y nagsisiungal na gaya ng mga batang leon;
sila'y nagsisiungal, at nanghuhuli ng biktima,
at kanilang tinatangay, at walang makapagliligtas.
30Ang mga iyon ay uungal laban sa kanila sa araw na iyon
na gaya ng ugong ng dagat.
Kung may tumingin sa lupain,
narito, kadiliman at kahirapan,
at ang liwanag ay pinadilim ng mga ulap niyon.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 5: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: