ISAIAS 50
50
1Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Nasaan ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina,
na aking ipinaghiwalay sa kanya?
O kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita?
Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay ipinagbili kayo,
at dahil sa inyong mga pagsuway ay inilayo ang ina ninyo.
2Bakit nang ako'y pumarito ay walang tao?
Nang ako'y tumawag, bakit walang sumagot?
Naging maikli na ba ang aking kamay, anupa't hindi makatubos?
O wala akong kapangyarihang makapagligtas?
Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat,
aking ginawang ilang ang mga ilog.
Ang kanilang isda ay bumabaho sapagkat walang tubig,
at namamatay dahil sa uhaw.
3Aking binibihisan ng kaitiman ang langit,
at aking ginagawang damit-sako ang kanyang panakip.”
Ang Pagsunod ng Lingkod ng Diyos
4Binigyan ako ng Panginoong Diyos
ng dila ng mga naturuan,
upang aking malaman kung paanong aalalayan
ng mga salita ang nanlulupaypay.
Siya'y nagigising tuwing umaga,
ginigising niya ang aking pandinig
upang makinig na gaya ng mga naturuan.
5Binuksan ng Panginoong Diyos ang aking pandinig,
at ako'y hindi naging mapaghimagsik,
o tumalikod man.
6Iniharap#Mt. 26:67; Mc. 14:65 ko ang aking likod sa mga tagahampas,
at ang aking mga pisngi sa mga bumunot ng balbas;
hindi ko ikinubli ang aking mukha
sa kahihiyan at sa paglura.
7Sapagkat tinulungan ako ng Panginoong Diyos;
kaya't hindi ako napahiya;
kaya't inilagay ko ang aking mukha na parang batong kiskisan,
at alam ko na hindi ako mapapahiya.
8Siya#Ro. 8:33, 34 na magpapawalang-sala sa akin ay malapit.
Sinong makikipaglaban sa akin?
Tayo'y tumayong magkakasama.
Sino ang aking kaaway?
Bayaang lumapit siya sa akin.
9Narito, tinutulungan ako ng Panginoong Diyos;
sino ang magsasabi na ako ay nagkasala?
Tingnan mo, silang lahat ay malulumang parang bihisan;
lalamunin sila ng tanga.
10Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon,
na sumusunod sa tinig ng kanyang lingkod,
na lumalakad sa kadiliman,
at walang liwanag?
Magtiwala siya sa pangalan ng Panginoon,
at umasa sa kanyang Diyos.
11Narito, kayong lahat na nagpapaningas ng apoy,
na nagsisindi ng mga suló!
Lumakad kayo sa liyab ng inyong apoy,
at sa gitna ng mga suló na inyong sinindihan!
Ito ang makakamit ninyo sa aking kamay:
kayo'y hihiga sa pagpapahirap.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 50: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

:
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001