ISAIAS 54
54
Ang Walang Hanggang Pag-ibig ng Diyos sa Israel
1“Umawit#Ga. 4:27 ka, O baog, ikaw na hindi nanganak;
ikaw ay biglang umawit, at sumigaw nang malakas,
ikaw na hindi nakaranas ng hirap sa panganganak!
Sapagkat ang mga anak ng babaing iniwan ay magiging higit na marami
kaysa mga anak ng may asawa, sabi ng Panginoon.
2Palawakin mo ang lugar ng iyong tolda,
at iladlad mo ang mga tabing ng iyong mga tahanan;
huwag kang umurong, habaan mo ang iyong mga lubid,
at patibayin mo ang iyong mga tulos.
3Sapagkat ikaw ay kakalat nang malayo sa kanan at sa kaliwa;
at aangkinin ng iyong lahi ang mga bansa,
at patitirahan ang mga bayang giba.
4“Huwag kang matakot; sapagkat ikaw ay hindi mapapahiya;
huwag kang malilito sapagkat hindi ka malalagay sa kahihiyan;
sapagkat iyong malilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan,
at hindi mo na maaalala pa ang iyong pagkabalo na dala'y kasiraan.
5Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay iyong asawa;
Panginoon ng mga hukbo ay kanyang pangalan.
Ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos,
ang Diyos ng buong lupa ang tawag sa kanya.
6Sapagkat tinawag ka ng Panginoon,
gaya ng asawang kinalimutan at nagdadalamhati ang espiritu,
parang asawa ng kabataan nang siya'y itakuwil,
sabi ng iyong Diyos.
7Sa ilang sandali ay kinalimutan kita;
ngunit titipunin kita sa pamamagitan ng malaking pagkahabag!
8Sa nag-uumapaw na poot nang sandali,
ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo,
ngunit kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob,
sabi ng Panginoon, na iyong Manunubos.
9“Sapagkat#Gen. 9:8-17 para sa akin ito ay parang tubig sa panahon ni Noe;
gaya ng aking ipinangako,
na ang tubig sa panahon ni Noe ay hindi na aapaw pa sa lupa,
gayon ako'y nangako na hindi ako magagalit sa iyo,
at hindi ka na kagagalitan.
10Sapagkat ang mga bundok ay maaaring umalis,
at ang mga burol ay mapalipat;
ngunit ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo,
o ang aking tipan ng kapayapaan ay hindi maaalis,
sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
Bagong Jerusalem
11“O#Apoc. 21:18-21 ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw,
narito, aking ilalagay ang iyong mga bato na may magagandang kulay,
at lalagyan ko ng mga zafiro ang iyong pundasyon.
12At gagawin kong mga rubi ang iyong mga tore,
at mga karbungko ang iyong mga pintuan,
at mahahalagang bato ang lahat mong mga pader.
13Lahat#Jn. 6:45 ng iyong anak ay tuturuan ng Panginoon;
at magiging malaki ang kasaganaan ng iyong mga anak.
14Sa katuwiran ay matatatag ka.
Ikaw ay malalayo sa pang-aapi sapagkat ikaw ay hindi matatakot,
at sa pagkasindak, sapagkat ito'y hindi lalapit sa iyo.
15Kung may magsimula ng alitan,
ito'y hindi mula sa akin.
Sinumang makipag-away sa iyo
ay mabubuwal dahil sa iyo.
16Narito, ako ang lumalang sa panday
na humihihip sa apoy ng mga baga,
at naglalabas ng sandata para sa kanyang gawa.
Akin ding nilalang ang mangwawasak upang mangwasak.
17Walang sandata na ginawa laban sa iyo ang magtatagumpay,
at bawat dila na babangon laban sa iyo sa kahatulan, ay iyong hahatulan.
Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon,
at ang pagiging matuwid nila ay mula sa akin, sabi ng Panginoon.”
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 54: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: