Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig ng aking salita at sumasampalataya sa kanya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan, at hindi darating sa kahatulan kundi lumipat na sa buhay mula sa kamatayan. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, dumarating ang oras at ngayon na nga, na maririnig ng patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang makarinig ay mabubuhay. Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ay pinagkalooban din niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili. At siya'y binigyan niya ng kapangyarihang humatol sapagkat siya'y Anak ng Tao. Huwag ninyong ipagtaka ito, sapagkat dumarating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makakarinig ng kanyang tinig, at magsisilabas, ang mga gumawa ng mabuti ay tungo sa pagkabuhay na muli sa buhay, at ang mga gumawa ng masama ay tungo sa pagkabuhay na muli sa kahatulan. “Hindi ako makakagawa ng anuman mula sa aking sarili. Humahatol ako ayon sa aking naririnig, at ang paghatol ko'y matuwid, sapagkat hindi ko hinahanap ang aking sariling kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
Basahin JUAN 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JUAN 5:24-30
4 Days
God wants you to KNOW you are saved and will go to heaven! Your assurance grows through encountering God and meditating on His Word. The following verses, when memorized, can help you rest assured in God in all of your days. Let your life be transformed by memorizing Scripture!
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay nagi - guilty. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay
Ang debosyon na ito ay tungkol sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa buhay na walang hanggan. Hayaang palakasin ng mga talatang ito ang ating buhay.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas