JOB 20
20
Inilarawan ni Zofar ang Bahagi ng Masama
1Nang magkagayo'y sumagot si Zofar na Naamatita, at sinabi,
2“Kaya't sinasagot ako ng aking mga pag-iisip,
dahil sa pagmamadali na taglay ko.
3Aking naririnig ang saway na humihiya sa akin,
at mula sa espiritu ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
4Hindi mo ba nalalaman ito nang una,
mula nang ang tao'y ilagay sa lupa,
5na ang pagbubunyi ng masama ay maikli,
at ang kagalakan ng masasama ay sandali lamang?
6Bagaman ang kanyang kataasan ay pumapailanglang hanggang sa langit,
at ang kanyang ulo ay umaabot hanggang sa mga ulap;
7gayunman ay matutunaw siya magpakailanman, na gaya ng kanyang sariling dumi;
silang nakakita sa kanya ay magsasabi, ‘Nasaan siya?’
8Siya'y lilipad na papalayong gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan.
Siya'y hahabulin na parang pangitain sa gabi.
9Ang mata na nakakita sa kanya ay hindi na siya makikita pa;
ni mamamalas pa man siya sa kanyang lugar.
10Hahanapin ng kanyang mga anak ang lingap ng dukha,
at ang kanyang mga kamay ay magsasauli ng kanyang kayamanan.
11Ang kanyang mga buto ay punô ng lakas ng kabataan,
ngunit ito'y hihiga na kasama niya sa alabok.
12“Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kanyang bibig,
bagaman kanyang itago sa ilalim ng kanyang dila;
13bagaman ayaw niyang pakawalan,
kundi iniingatan pa sa kanyang bibig;
14gayunma'y ang kanyang pagkain ay nabago na sa kanyang tiyan,
siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
15Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kanyang isinusuka uli;
aalisin ng Diyos ang mga iyon sa kanyang tiyan.
16Kanyang sisipsipin ang kamandag ng mga ahas;
papatayin siya ng dila ng ulupong.
17Hindi niya titingnan ang mga ilog,
ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
18Kanyang isasauli ang bunga na kanyang pinagpagalan,
at hindi niya lulunukin,
mula sa pakinabang ng kanyang pangangalakal,
hindi siya magtatamo ng kasiyahan.
19Sapagkat kanyang dinurog at pinabayaan ang dukha;
kanyang kinamkam ang isang bahay na hindi niya itinayo.
20“Sapagkat hindi nakakilala ng katahimikan ang kanyang kasakiman,
hindi siya makapag-iimpok ng anuman sa kanyang kinaluluguran.
21Walang naiwan pagkatapos niyang kumain;
kaya't ang kanyang kasaganaan ay hindi mananatili.
22Sa lubos niyang kasaganaan ay mapipighati sila,
lahat ng lakas ng kahirapan ay darating sa kanya.
23Upang ganap na mapuno ang kanyang tiyan,
ihuhulog ng Diyos ang kanyang mabangis na poot sa kanya,
at pauulanin sa kanya bilang pagkain niya.
24Kanyang tatakasan ang bakal na sandata,
isang panang tanso ang tatama sa kanya.
25Ito ay binunot, at lumabas sa kanyang katawan,
oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa apdo niya;
ang panghihilakbot ang dumating sa kanya.
26Lubos na kadiliman ang nakahanda para sa kanyang kayamanan;
ang tutupok sa kanya ay apoy na hindi hinipan,
tutupukin niyon ang sa kanyang tolda ay naiwan.
27Ihahayag ng mga langit ang kanyang kasamaan,
at ang lupa ay babangon na sa kanya ay laban.
28Ang bunga ng kanyang bahay ay kukunin,
sa araw ng poot ng Diyos ay kakaladkarin.
29Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Diyos,
at ang manang itinakda sa kanya ng Diyos.”
Kasalukuyang Napili:
JOB 20: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: