MGA PANAGHOY 3
3
Parusa, Pagsisisi at Pag-asa
1Ako ang taong nakakita ng pagdadalamhati
dahil sa pamalo ng kanyang poot.
2Itinaboy niya ako at dinala sa kadiliman, at hindi sa liwanag;
3tunay na laban sa akin
ay kanyang paulit-ulit na ipinihit ang kanyang kamay sa buong maghapon.
4Pinapanghina niya ang aking laman at aking balat,
at binali niya ang aking mga buto.
5Sinakop at kinulong niya ako
sa kalungkutan at paghihirap.
6Pinatira niya ako sa kadiliman,
gaya ng mga matagal nang patay.
7Binakuran niya ako upang ako'y hindi makatakas;
pinabigat niya ang aking tanikala.
8Bagaman ako'y dumaraing at humihingi ng tulong,
kanyang pinagsasarhan ang aking panalangin;
9kanyang hinarangan ang aking mga daan ng tinabas na bato,
kanyang iniliko ang mga landas ko.
10Para sa akin ay gaya siya ng oso na nag-aabang,
parang leon na nasa kubling dako.
11Iniligaw niya ang aking mga lakad,
at ako'y pinagputul-putol;
ginawa niya akong wasak.
12Binanat niya ang kanyang busog
at ginawa akong tudlaan para sa kanyang pana.
13Pinatusok niya sa aking puso ang mga palaso
mula sa kanyang lalagyan.
14Ako'y naging katatawanan sa lahat ng aking kababayan,
ang pasanin ng kanilang awit sa buong maghapon.
15Pinuno niya ako ng kapanglawan,
kanyang pinapagsawa ako ng katas ng mapait na halaman.
16Dinurog niya ng mga bato ang ngipin ko,
at pinamaluktot ako sa mga abo.
17Ang aking kaluluwa ay inilayo sa kapayapaan;
nalimutan ko na kung ano ang kaligayahan.
18Kaya't aking sinabi, “Wala na ang aking kaluwalhatian,
at ang aking pag-asa sa Panginoon.”
19Alalahanin mo ang aking paghihirap at ang aking kapaitan,
ang katas ng mapait na halaman at ng apdo.
20Patuloy itong naaalala ng aking kaluluwa
at yumuyuko sa loob ko.
21Ngunit ito'y naaalala ko,
kaya't mayroon akong pag-asa:
22Ang tapat na pag-ibig ng Panginoon ay hindi nagmamaliw,
ang kanyang mga habag ay hindi natatapos;
23sariwa ang mga iyon tuwing umaga,
dakila ang iyong katapatan.
24“Ang Panginoon ay aking bahagi,” sabi ng aking kaluluwa;
“kaya't ako'y aasa sa kanya.”
25Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na naghihintay sa kanya,
sa kaluluwa na humahanap sa kanya.
26Mabuti nga na ang tao ay tahimik na maghintay
para sa pagliligtas ng Panginoon.
27Mabuti nga sa tao na pasanin ang pamatok sa kanyang kabataan.
28Maupo siyang mag-isa sa katahimikan
kapag kanyang iniatang sa kanya;
29ilagay niya ang kanyang bibig sa alabok—
baka mayroon pang pag-asa;
30ibigay niya ang kanyang pisngi sa mananampal,
at mapuno siya ng pagkutya.
31Sapagkat ang Panginoon ay hindi magtatakuwil nang walang hanggan.
32Ngunit bagaman siya'y sanhi ng kalungkutan,
siya'y mahahabag ayon sa kasaganaan ng kanyang tapat na pagmamahal;
33sapagkat hindi niya kusang pinahihirapan
o ang mga anak ng mga tao ay sinasaktan man.
34Upang durugin sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa,
35upang sikilin ang karapatan ng tao
sa harapan ng Kataas-taasan,
36upang ibagsak ang tao sa kanyang usapin,
na hindi ito sinasang-ayunan ng Panginoon.
37Sino ang nagsasalita at ito ay nangyayari,
malibang ito ay iniutos ng Panginoon?
38Hindi ba sa bibig ng Kataas-taasan
nagmumula ang masama at mabuti?
39Bakit magrereklamo ang taong may buhay,
ang tao, tungkol sa parusa sa kanyang mga kasalanan?
40Ating subukin at suriin ang ating mga lakad,
at manumbalik tayo sa Panginoon!
41Itaas natin ang ating mga puso at mga kamay
sa Diyos sa langit:
42“Kami ay sumuway at naghimagsik,
at hindi ka nagpatawad.
43“Binalot mo ng galit ang iyong sarili at hinabol mo kami;
na pumapatay ka nang walang awa.
44Binalot mo ng ulap ang iyong sarili
upang walang panalanging makatagos.
45Ginawa mo kaming patapon at basura
sa gitna ng mga bayan.
46“Ibinuka ng lahat naming mga kaaway
ang kanilang bibig laban sa amin.
47Dumating sa amin ang takot at pagkahulog, pagkasira at pagkawasak.
48Ang mata ko'y dinadaluyan ng maraming luha
dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng aking bayan.
49“Ang mata ko'y dadaluyan nang walang hinto, walang pahinga,
50hanggang sa ang Panginoon ay tumungo at tumingin mula sa langit.
51Pinahihirapan ng aking mga mata ang aking kaluluwa,
dahil sa lahat na anak na babae ng aking lunsod.
52“Ako'y tinugis na parang ibon,
ng aking mga naging kaaway nang walang kadahilanan.
53Pinatahimik nila ako sa hukay
at nilagyan ng bato sa ibabaw ko.
54Ang tubig ay lumampas sa aking ulo;
aking sinabi, ‘Ako'y wala na.’
55“Ako'y tumawag sa iyong pangalan, O Panginoon,
mula sa kalaliman ng hukay;
56pinakinggan mo ang aking pakiusap! ‘Huwag mong itago ang iyong pandinig sa saklolo,
mula sa paghingi ko ng tulong!’
57Ikaw ay lumapit nang ako'y tumawag sa iyo;
iyong sinabi, ‘Huwag kang matakot.’
58“Ipinagtanggol mo ang aking usapin, O Panginoon,
tinubos mo ang aking buhay.
59Nakita mo ang pagkakamaling ginawa sa akin, O Panginoon
hatulan mo ang aking usapin.
60Nakita mo ang lahat nilang paghihiganti,
at ang lahat nilang pakana laban sa akin.
61“Narinig mo ang kanilang pagtuya, O Panginoon,
at lahat nilang pakana laban sa akin.
62Ang mga labi at pag-iisip ng mga tumutugis sa akin
ay laban sa akin sa buong maghapon.
63Masdan mo ang kanilang pag-upo at ang kanilang pagtayo,
ako ang pinatutungkulan ng kanilang mga awit.
64“Pagbabayarin mo sila, O Panginoon,
ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
65Papagmamatigasin mo ang kanilang puso,
ang iyong sumpa ay darating sa kanila.
66Hahabulin mo sila sa galit at iyong lilipulin sila,
mula sa silong ng mga langit, O Panginoon.”
Kasalukuyang Napili:
MGA PANAGHOY 3: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: