Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 2

2
Si Job ay nagkaroon ng mga bukol.
1Nangyari uli na sa araw #Job 1:6. nang pagparoon ng mga anak ng Dios upang magsiharap sa Panginoon, na nakiparoon din si Satanas, upang humarap sa Panginoon.
2At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Sa #Job 1:7. pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.
3At sinabi #Job 1:1, 8. ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan: at siya'y namamalagi sa kaniyang pagtatapat, bagaman ako'y kinilos mo laban sa kaniya, upang ilugmok siya ng #Job 9:17. walang kadahilanan.
4At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay.
5 # Job 1:11. Nguni't pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang #Job 1:5. itatakuwil ka ng mukhaan.
6At ang Panginoon ay nagsabi kay Satanas, Narito, siya'y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay.
7Sa gayo'y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon, at pinasibulan si Job ng mga #Lev. 13:18. masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo.
8At kumuha siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod ng langib; #Job 42:6; Ezek. 27:30; Jon. 3:6; Mat. 11:21. at siya'y naupo sa mga abo.
9Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka.
10Nguni't sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. #Sant. 5:10, 11. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama? #Job 1:22. Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job #Awit 39:1. ng kaniyang mga labi.
Dinalaw siya ng kaniyang tatlong kaibigan.
11Nang mabalitaan nga ng tatlong kaibigan ni Job ang #Job 42:11; Rom. 12:5. lahat na kasamaang ito na sumapit sa kaniya sila'y naparoon bawa't isa na mula sa kanikaniyang sariling pook, si Eliphaz na #1 Cron. 1:45. Temanita, at si Bildad na #Gen. 25:2; 1 Cron. 1:32. Suhita, at si Sophar na Naamathita: at sila'y nangagkaiisang loob na magsiparoon upang makidamay sa kaniya at aliwin siya.
12At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa't isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at nagbuhos ng #Jos. 7:6. alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit.
13Sa gayo'y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa #Gen. 50:10; Ezek. 3:15. na pitong araw at pitong gabi, at walang nagsalita sa kaniya: sapagka't kanilang nakita na ang kaniyang paghihirap ay totoong malaki.

Kasalukuyang Napili:

JOB 2: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in