Job 5
5
1“Sumigaw ka, Job, kung may sasagot sa iyo.
Mayroon bang anghel na sa iyo'y sasaklolo?
2Ang sama ng loob ay pumapatay sa mga taong hangal.
Ang pagkainggit ay kumikitil sa mga taong mangmang.
3Nakakita na ako ng mga hangal na panatag kung titingnan,
ngunit bigla kong sinusumpa ang kanilang mga tahanan.
4Walang matakbuhan ang kanilang mga anak,
walang sinuman ang sa kanila'y magligtas.
5Ang kanilang ani'y kinakain ng mga gutom,
kahit ang nasa tinikan, inaagaw sa kanila.
Ninanasa ng mga uhaw ang kayamanan nila.
6Ang kahirapa'y hindi sa alabok nagmula,
at ang kaguluha'y hindi tumutubo sa lupa.
7Tiyak na daranas ng kahirapan ang tao,
kung paanong may tilamsik ng apoy sa apuyan.
8“Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos,
at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog.
9Mga#Ecc. 43:32. dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan,
mga kababalaghan niya ay walang katapusan.
10Ang lupa'y pinadadalhan niya ng ulan,
mga bukiri'y kanyang pinatutubigan.
11Ang nagpapakumbabá ay kanyang itinataas,
ang mga nalulungkot, kanyang inililigtas.
12Mga pakana ng mga tuso'y kanyang sinisira,
kaya anumang gawin nila'y wala silang napapala.
13Ang#1 Cor. 3:19. mga tuso'y inihuhulog niya sa sarili nilang bitag,
kanilang mga pakana'y kaagad nagwawakas.
14Di makita ang daan kahit na sa araw, sila'y nangangapa kahit katanghalian.
15Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila,
iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha.
16Binibigyan niya ng pag-asa ang mga dukha, pinatatahimik niya ang masasama.
17“Mapalad#Kaw. 3:11-12; Heb. 12:5-6. ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan,
ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam.
18Ginagamot#Hos. 6:1. niya ang kanyang nasugatan,
pinapagaling niya ang kanyang nasaktan.
19Sa tuwi-tuwina, paningin niya'y nasa iyo, upang ikaw ay ingatan, laging handang sumaklolo.
20Sa panahon ng taggutom, di ka niya pababayaan,
at kung sa digmaan ay hindi ka niya iiwan.
21Ililigtas ka niya sa dilang mapanira,
at di ka matatakot sa kapahamakan.
22Kaguluhan at taggutom, iyo lamang tatawanan,
at mababangis na hayop, hindi mo katatakutan.
23Walang mga bato sa bukid na iyong sasakahin,
maiilap na hayop, di ka lalapain.
24Magiging ligtas ang iyong tahanan,
at ang iyong mga kawan ay hindi mababawasan.
25Ang lahi mo ay di mapipigil sa paglaki;
tulad ng damo, ang mga supling mo ay darami.
26Tatamasahin mo ang mahabang buhay,
katulad ng bungang nahinog sa panahon ng anihan.
27Ang mga ito'y aming matagal na pinag-aralan,
pakinggan mo't alamin pagkat ito'y katotohanan.”
Kasalukuyang Napili:
Job 5: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society