1 Juan 2:3-8
1 Juan 2:3-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya. Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo. Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo na sa simula pa. Ito'y ang mensaheng narinig na ninyo. Ngunit, maituturing na isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo; sapagkat napapawi na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito'y nasaksihan sa buhay ni Cristo at nakikita rin naman sa atin.
1 Juan 2:3-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nakatitiyak tayong kilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang sinumang nagsasabing, “Kilala ko ang Diyos,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang sinumang sumusunod sa salita ng Diyos, ganap na natupad sa kanya ang pag-ibig ng Diyos. At sa ganitong paraan natin malalaman na tayoʼy nasa kanya: Ang sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos, dapat siyang mamuhay kung paanong namuhay si Hesu-Kristo. Mga minamahal, hindi na bago itong utos na isinusulat ko kundi dati na. Ang utos na ito, na magmahalan kayo, ay ang mismong mensaheng narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya. Sa kabilang banda, masasabi ko ring bago ang utos na ito dahil lumilipas na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. At ang katotohanang itoʼy nasaksihan sa buhay ni Kristo at maging sa inyo.
1 Juan 2:3-8 Ang Biblia (TLAB)
At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos. Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya; Datapuwa't ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pagibig ng Dios. Dahil dito'y nalalaman nating tayo'y nasa kaniya: Ang nagsasabing siya'y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya. Mga minamahal, wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos, kundi ang dating utos na nasa inyo buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig. Muli, isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, bagay na tunay sa kaniya at sa inyo; sapagka't ang kadiliman ay lumilipas, at ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na.
1 Juan 2:3-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya. Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo. Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo na sa simula pa. Ito'y ang mensaheng narinig na ninyo. Ngunit, maituturing na isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo; sapagkat napapawi na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito'y nasaksihan sa buhay ni Cristo at nakikita rin naman sa atin.
1 Juan 2:3-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)