Joel 1:4-13
Joel 1:4-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pinagsawaan ng laksa-laksang balang ang mga pananim; kinain ng sumunod ang natira ng una. Gumising kayo at tumangis, mga maglalasing! Umiyak kayo, mga manginginom! Sapagkat wala nang ubas na magagawang alak. Sinalakay ng makapal na balang ang ating lupain. Sila'y mapangwasak at di mabilang; parang ngipin ng leon ang kanilang mga ngipin. Sinira nila ang ating mga ubasan at sinalanta ang mga puno ng igos. Sinaid nila ang balat ng mga puno, kaya't namuti pati mga sanga. Tumangis ka, bayan, gaya ng isang dalagang nagluluksa dahil sa pagkamatay ng binatang mapapangasawa niya. Walang butil o alak na maihahandog sa Templo ni Yahweh; kaya't nagdadalamhati pati mga pari dahil wala silang maihandog kay Yahweh. Walang maani sa mga bukirin, nagdadalamhati ang lupa; sapagkat nasalanta ang mga trigo, natuyo ang mga ubas, at nalanta ang mga punong olibo. Malungkot kayo, mga magsasaka! Umiyak kayong nag-aalaga ng mga ubasan, trigo at sebada, sapagkat lahat ng pananim ay pawang nasalanta. Natuyo ang mga ubasan, nalanta ang mga puno ng igos; ang mga punong granada, palma at mansanas—lahat ng punongkahoy ay natuyo; at nawala ang kagalakan ng mga tao. Magluksa kayo at tumangis, mga paring naghahandog sa altar. Pumasok kayo sa Templo at magdamag na magluksa. Walang trigo o alak na naihahandog sa inyong Diyos.
Joel 1:4-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sunud-sunod na sumalakay ang mga pulutong ng balang. Ang mga naiwan na tanim na hindi naubos ng unang pulutong ay kinain ng sumunod na pulutong hanggang sa naubos ang mga tanim. Kayong mga lasenggo, bumangon kayo at umiyak nang malakas! Sapagkat wala na kayong maiinom; wala nang bunga ang mga ubas na gagawing alak. Ang lupain ng PANGINOON ay sinalakay ng napakaraming balang. Matalas ang kanilang mga ngipin na parang mga ngipin ng leon. Sinira nila ang mga tanim na ubas ng PANGINOON at ang kanyang mga puno ng igos. Nginatngat nila ang mga balat nito hanggang sa mamuti ang mga sanga. Umiyak kayo katulad ng isang dalaga na nakadamit ng sako na namatayan ng binatang mapapangasawa. Sapagkat wala nang butil o inumin na maihahandog sa templo ng PANGINOON, kaya nalulungkot ang mga paring naglilingkod sa kanya. Nasira ang mga bukirin na parang taong nagdadalamhati. Nasira na ang mga trigo, at wala na ang katas ng ubas at langis. Kayong mga magsasaka, dapat kayong malungkot! Kayong mga tagapangalaga ng ubasan, umiyak kayo nang malakas! Sapagkat nasira ang aanihing mga trigo at sebada. Nalanta ang mga tanim na ubas at ang lahat ng puno, pati na ang mga igos, pomegranata, palma, at mansanas. Talagang nawala ang kaligayahan ng mga tao. Kayong mga pari na naglilingkod sa altar ng aking Dios, magsuot kayo ng sako at pumunta sa templo at umiyak buong magdamag. Sapagkat wala nang butil o inumin na ihahandog sa templo ng inyong Dios.
Joel 1:4-13 Ang Biblia (TLAB)
Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig. Magsibangon kayo, kayong mga manglalasing, at magsiiyak kayo; at manambitan kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak; sapagka't nahiwalay sa inyong bibig. Sapagka't isang bansa ay sumampa sa aking lupain, malakas at walang bilang; ang kaniyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon, at siya'y may bagang ng malaking leon. Kaniyang iniwasak ang aking puno ng ubas, at ibinagsak ang aking puno ng igos: kaniyang tinalupang malinis at inihagis; ang mga sanga niyao'y naging maputi. Managhoy ka na parang babaing nabibigkisan ng kayong magaspang dahil sa asawa ng kaniyang kabataan. Ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng Panginoon; ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, ay nangananangis. Ang bukid ay sira, ang lupain ay nahahapis; sapagka't ang trigo ay sira, ang bagong alak ay tuyo, ang langis ay kulang. Mangahiya kayo, Oh kayong mga mangbubukid, manambitan kayo, Oh kayong mga maguubas, dahil sa trigo at dahil sa cebada; sapagka't ang pagaani sa bukid ay nawala. Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagka't ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao. Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios.
Joel 1:4-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pinagsawaan ng laksa-laksang balang ang mga pananim; kinain ng sumunod ang natira ng una. Gumising kayo at tumangis, mga maglalasing! Umiyak kayo, mga manginginom! Sapagkat wala nang ubas na magagawang alak. Sinalakay ng makapal na balang ang ating lupain. Sila'y mapangwasak at di mabilang; parang ngipin ng leon ang kanilang mga ngipin. Sinira nila ang ating mga ubasan at sinalanta ang mga puno ng igos. Sinaid nila ang balat ng mga puno, kaya't namuti pati mga sanga. Tumangis ka, bayan, gaya ng isang dalagang nagluluksa dahil sa pagkamatay ng binatang mapapangasawa niya. Walang butil o alak na maihahandog sa Templo ni Yahweh; kaya't nagdadalamhati pati mga pari dahil wala silang maihandog kay Yahweh. Walang maani sa mga bukirin, nagdadalamhati ang lupa; sapagkat nasalanta ang mga trigo, natuyo ang mga ubas, at nalanta ang mga punong olibo. Malungkot kayo, mga magsasaka! Umiyak kayong nag-aalaga ng mga ubasan, trigo at sebada, sapagkat lahat ng pananim ay pawang nasalanta. Natuyo ang mga ubasan, nalanta ang mga puno ng igos; ang mga punong granada, palma at mansanas—lahat ng punongkahoy ay natuyo; at nawala ang kagalakan ng mga tao. Magluksa kayo at tumangis, mga paring naghahandog sa altar. Pumasok kayo sa Templo at magdamag na magluksa. Walang trigo o alak na naihahandog sa inyong Diyos.
Joel 1:4-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)