Ang Awit ni Solomon 1:1-4
Ang Awit ni Solomon 1:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang pinakamagandang awit ni Solomon: Akong ito'y pinupupog, sinisiil mo ng halik; ang dulot ng pag-ibig mo'y mainam pa sa alak. Ang taglay mong halimuyak, saan kaya itutulad? Simbango ng pangalan mong ang samyo'y malaganap, kaya lahat ng dalaga ay iyo ngang nabibihag. Ako ngayon ay narito, isama mo kahit saan, at ako ay iyong dalhin sa silid mong pahingahan. Tiyak akong liligaya ngayong ikaw ay narito, ang nais ko ay madama ang alab ng pag-ibig mo; pagsinta mo'y mas gusto ko kaysa alinmang inumin; hindi ako nagkamali na ikaw nga ang ibigin.
Ang Awit ni Solomon 1:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang awit ng mga awit, na kay Salomon. Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: Sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak. Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; Ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; Kaya't sinisinta ka ng mga dalaga. Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: Kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: Matuwid ang pagsinta nila sa iyo.
Ang Awit ni Solomon 1:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pinakamagandang awit ni Solomon. Paliguan mo ako ng iyong mga halik. Pagkat mas matamis pa kaysa katas ng ubas ang iyong pag-ibig. Kay sarap amuyin ng iyong pabango, at ang ganda ng pangalan mo, kaya hindi kataka-takang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo. Sige na, O aking hari, dalhin mo ako sa iyong silid.
Ang Awit ni Solomon 1:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Ang awit ng mga awit, na kay Salomon. Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak. Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kaya't sinisinta ka ng mga dalaga. Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: matuwid ang pagsinta nila sa iyo.
Ang Awit ni Solomon 1:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)