Ang Awit ni Solomon 2:12-15
Ang Awit ni Solomon 2:12-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad, ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya, sa bukid, ang mga ibo'y masayang umaawit. Ang mga puno ng igos, hinog na ang bunga, at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na. Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka. Ika'y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan, halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan, at nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan. Asong-gubat ay hulihin, maninira ng ubasan, baka pumasok sa ating namumulaklak na ubasan.
Ang Awit ni Solomon 2:12-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Namumukadkad na ang mga bulaklak sa parang, panahon na ng pag-aawitan at maririnig na rin ang huni ng mga kalapati sa kabukiran. Ang mga bunga ng igos ay hinog na at humahalimuyak ang bulaklak ng mga ubas. Halika na irog kong maganda, sa akin ay sumama ka na.” Katulad moʼy kalapating nagtatago sa bitak ng malaking bato. Ipakita mo sa akin ang magandang mukha mo at iparinig din ang maamo mong tinig. Bilis! Hulihin ang mga asong-gubat na sumisira ng aming mga ubasang namumulaklak.
Ang Awit ni Solomon 2:12-15 Ang Biblia (TLAB)
Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain; Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina. Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora, ang mga munting sora na naninira ng mga ubasan; sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
Ang Awit ni Solomon 2:12-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad, ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya, sa bukid, ang mga ibo'y masayang umaawit. Ang mga puno ng igos, hinog na ang bunga, at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na. Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka. Ika'y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan, halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan, at nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan. Asong-gubat ay hulihin, maninira ng ubasan, baka pumasok sa ating namumulaklak na ubasan.
Ang Awit ni Solomon 2:12-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; Ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, At ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain; Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, At ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, Sa puwang ng matarik na dako, Ipakita mo sa akin ang iyong mukha, Iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina. Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora, ang mga munting sora Na naninira ng mga ubasan; Sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.