Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-alala sa Lahat ng Ginawa ng DiyosHalimbawa

Remembering All God Has Done

ARAW 5 NG 5

Kung natanggap mo si Kristo bilang iyong personal na Tagapagligtas, ikaw ay isang bagong nilalang. "Ang luma ay nawala at ang bago ay nandito!" Sa nakalipas na linggo, binalikan mo ang nakaraan upang alalahanin ang kapangyarihan ng Diyos, ang Kanyang katapatan, ang mga taong Kanyang itinalaga upang hubugin ang iyong pagkatao, at ang pinakamahalagang sakripisyong Kanyang ginawa para sa atin. Ngayon, magnilay-nilay sa mga salitang makikita sa 2 Corinthians 5:11-21 tungkol sa nakapangliligtas na kapangyarihan ng kapatawaran ng Diyos. Walang mas makapangyarihan, tapat, sagrado, at nakakapagbagong-buhay maliban sa pagpapatawad ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Hesu Kristo. Ngayon, alalahanin ang mga pagbabago sa iyong buhay na iyong naranasan dahil sa Kanyang kapatawaran. Ganap na kalimutan ang iyong dating buhay bagkus alalahanin ang araw na nagbago ang iyong buhay kailan pa man. Purihin ang Diyos at pasalamatan Siya sa iyong bagong buhay kay Kristo.

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Remembering All God Has Done

Natural na kagawian natin ang tumingin sa hinaharap, ngunit hindi natin dapat kaligtaan ang nakaraan. Ang planong ito ay idinisenyo para sa 5 araw upang alalahanin ang lahat ng ginawa ng Diyos upang hubugin ka sa kung sino ka ngayon. Sa bawat araw, ikaw ay makatatanggap ng isang babasahin mula sa BIbliya at isang maiksing debosyonal upang tulungan kang alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan sa iyong paglalakbay kay Kristo.

More

We would like to thank LifeChurch.tv for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv