Pagiging InaHalimbawa
Kabanalan ng asawang babae
Si Littre, isang mahusay na iskolar ng Pransya, ay mahusay na nag-aral sa karunungan ng tao. Sa kasamaang palad, wala siyang pakialam sa Diyos. Napakapalad para sa kanyang anak na ang asawa ni Littre ay isang debotong Kristiyano.
Sinabi ng siyentista sa kanyang asawa: "Alagaan mo ang iyong anak na babae sa mga turo ng iyong relihiyon na palagi mong sinusunod. Kapag ang iyong anak na babae ay 15 taong gulang na, dalhin mo siya sa akin. Ipapaliwanag ko naman sa kanya ang aking mga pananaw, at siya ang mamili para sa kanyang sarili. ”
Tinanggap ng ina ang mga tuntunin. Lumipas ang mga taon, at dumating ang ika-15 kaarawan. Ang asawang babae ay pumasok sa silid aralan ng kanyang asawa at sinabi, "Naaalala mo ba ang sinabi mo sa akin at kung ano ang ipinangako ko sa iyo? Ang iyong anak na babae ay 15 taon ngayon. Handa na siya ngayong makinig sa iyo nang buong respeto at kumpiyansa na nararapat para sa kanyang ama. Maaari ko na ba siyang papasukin? "
"Aba oo naman!" sagot ni Littre. "Ngunit sa anong espesyal na dahilan? Upang ipaliwanag sa kanya ang aking mga pananaw? Ay, hindi, mahal ko, hindi. Ginawa mo ang ating anak na babae na isang mabuti, mapagmahal, simple, matalino, at masayang anak. Ang aking mga ideya ay mabuti para sa akin. Sino ang nagsabi na ang mga ideyang ito ay magiging mabuti din para sa ating anak na babae? Sino ang nagsabing ang mga ideyang ito ay hindi makasisira o, kahit papaano, ay makasisira sa iyong ginawa?
Papasukin mo siya, upang mapagpala kita sa harap niya sa lahat ng iyong nagawa para sa kanya, upang lalo ka niyang mahalin. "
Ang perpektong asawang babae ay hindi naghahangad ng isang perpektong asawang lalaki
(Hindi Nagpapakilala)
Mga Kawikaan 18:22
“Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan; siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay.”
Pagninilay:
Ang pagbuo ng isang sambahayan o isang pamilya ay katulad ng pagtatayo ng isang koponan. Ang bawat miyembro ng koponan ay may mga kalakasan at kahinaan, at ang bawat isa ay may gagampanan na tugma sa bawat isa. Kailangan nila ng pagpapahalaga! Anong uri ng pagpapahalaga ang naibigay mo na sa mga miyembro ng iyong koponan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pinakamahalagang gawain ng isang ina ay alagaan at palakihin ang kanyang mga anak. Mahalin at ipadama ang pag-ibig at seguridad sa kanila. Ang debosyon na ito ay magpapalakas ng mga ina upang akayin at gabayan ang kanilang mga anak sa banal na pagkatakot sa Dios.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg